Male singer, laging may request ‘pag may production number

Pakialamera talaga ang isang male singer na magaling talagang kumanta at hanep ang boses sa biritan!

Eh kapag may production number ng mga sikat na kanta at kailangan ng pangmalakasang boses, isa ang palaging kinukuha si male singer.

‘Yun nga lang, kapag hatian sa stanza ng kanta, si male singer ang namimili kung ano ang gusto niyang kantahin, huh! Hindi niya sinusunod ang sequence ng pagkanta na bigay ng production!

“Gusto ko ito! Bagay sa akin ‘yang part na ‘yan!” ito ang laging sinasabi ni male singer kahit ibinigay na sa iba ang part na gusto niya!

Eh palibhasa magaling ang singer, binabago na lang ng musical director ang sequence ng kanta at ibinibigay ang request ni male singer para matapos ang issue!

Todo deny

Limang milyong piso ang halaga ng 1967 dress na isinuot  ni Nora ­Aunor na ginamit niya sa Tawag ng Tanghalan.

Ito ang halagang ibinigay ni Boss Toyo ng Pinoy Pawnstars na madalas pagbentahan ng valued items ng celebrities na puwede isama sa museum na ipatatayo.

Ayon naman kay Ate Guy, hindi siya pumunta kay Boss Toyo para ibenta ang damit, ipinakita lang niya ang damit para na rin makahingi ng donasyon para itulong ng National Artist sa biktima ng bagyong Kristine sa kababayan niya sa Bicol.

Show comments