Donny, todo ang pasasalamat kay Belle
Unang sumabak sa show business si Donny Pangilinan bilang VJ ng Myx channel noong 2016. Nagtuluy-tuloy na ang paggawa ng binata ng mga proyekto sa ABS-CBN mula noon. Masayang-masaya si Donny dahil muling pumirma ng kontrata sa Kapamilya network noong isang linggo. “I’m just super happy to be here in ABS-CBN. Time flies so fast. But I know that there’s so much more in store and I’m here with you guys and I am very, very much ready to overcome what we need to overcome,” bungad ni Donny.
Katuwang ng mga magulang na sina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan ang Star Magic sa pangangalaga ng career ni Donny.
Itinuturing ni Donny na pangalawang pamilya na ang pamunuan ng ABS-CBN. “I am very blessed also that I am with bosses who I can consider family and who I can consider people really listen to you and who really collaborate with you and they will figure out on what they can do just to have the best come out, even for the audience and everyone who’s watching. So, thank you so much for that,” dagdag ng binata.
Malaki rin ang pasasalamat ni Donny kay Belle Mariano na kanyang nakatambal sa mga nakalipas na taon. Talagang tinangkilik ng mga tagahanga ang tambalang DonBelle sa serye man o pelikula. Simula sa Nov. 25 ay mapapanood na sa pamamagitan ng Viu ang How To Spot A Red Flag na muling pagbibidahan nina Donny at Belle. “Thank you rin sa pamilya ko, and siyempre kay Belle. Kasi malaking part rin siya sa journey ko. And I am just very happy na we get to do more things together,” paglalahad ng aktor.
Ogie, may ‘galaw-galaw’ sa Bini
Nakatakdang mag-record ng kantang Sige, Galaw-Galaw si Ogie Alcasid sa susunod na taon. Makakatrabaho ng singer-songwriter ang girl group na BINI para sa pinakabagong proyektong ito.
Magiging espesyal na panauhin din ang BINI sa Ogieoke 2 Reimagined concert na gaganapin sa Nov. 30 sa Newport Performing Arts Theater.
Lubos ang pasasalamat ni Ogie sa walong miyembro ng BINI. Para sa singer ay lalong nabuhay ang musikang Pilipino dahil sa mga kantang pinasikat ng grupo. “Natutuwa ako sa mga batang ‘yan. I have always been a supporter of theirs. Their success is something I am so blessed to see and witness. I like seeing people make their own mark. It is such a high for us to see, namamayagpag ang OPM,” pagtatapos ng OPM icon.
(Reports from JCC)
- Latest