^

PSN Showbiz

Mga laglag sa MMFF, kumahog sa playdate!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon

Ayan na, ‘yung mga hindi pinalad makapasok bilang official entry sa 50th Metro Manila Film Festival, naghaha­nap na ng kanya-kanyang playdate – at ‘yung iba, before the end of the year na.

Ang The Delivery Rider nina Baron Geisler at Jake Cuenca, diretso streaming na sa Netflix. Tapos, itong BenTria Productions, ipapalabas na raw sa Nov. 27 ang romantic drama na dinerek ni Joel Lamangan na Huwag Mo ‘Kong Iwan with JC de Vera, Tom Rodriguez and Rhian Ramos. Hindi na ba nila mahihintay ang Summer MMFF if ever?

O baka du’n na rin lang nila planong isali ang Fatherland na all-star cast din.

Then nandyan pa ang Idol – ‘yung April Boy Regino bioflick by Efren Reyes, Jr. Makikipagsiksikan pa rin ba ito na ipalabas bago matapos ang taon? Abangan!

Janine, ginagamit ng mga gustong magpaka-relevant

Grabe naman kung maka-bash ang ilang nagpapaka-relevant na writer na kinakastigo si Janine Gutierrez dahil sa sunud-sunod na mga relasyon! Worst, bakit kailangang husgahan pa sina Paulo Avelino at Jericho Rosales at sabihing “Janine can get a decent bachelor na puwedeng hindi taga showbiz na maa­ring magtagal”?

Grabe ang swipe ‘no? Puwedeng idepensa na out of concern ‘yun for Janine, pero talaga ba? Puwede namang sabihin ang mga ‘yan nang hindi nangmemenos ng ibang tao.

Kim at Ogie, diniretso sa Angat... ang napanalunan

Nakakabilib ‘yung nanalong grupo nina Ogie Alcasid at Kim Chiu sa Magpasikat na dinonate ang kanilang P300k na prize sa relief operations ng Angat Buhay ni former VP Leni Robredo na kahit wala sa posisyon at todo-todo ang pagtulong sa ating nga kababayan na nasalanta ng bagyong Kristine.

Pinuri rin si Donny Pangilinan na talagang nag-donate at tumulong pa sa headquarters ng Angat Buhay sa Museo Ng Pag-asa.

Sa huli’t huli, maganda ang bayanihan at pagdadamayan, pero maganda ring itanong, bakit hindi ito magawa na kasing epektibo ng mga lider natin na mas maraming resources at kapangyarihan? Habang hindi tinutugunan ang pangmalawakang pag-aayos ng drainage system o ang problemang pangkalikasan, ganito nang ganito ang sasapitin natin.

Puro people’s initiative na lang ba?

Eh paano na ‘yung mga hinalal sa positions of power na hindi man lang nagpakita nitong nakaraang bagyo? Hayyyyy naku!!!

Karylle, nagkaroon ng bagong kanta dahil sa tatay

Maganda ang kanta ni Karylle para sa kanyang ama na MT na nasa Spotify na ngayon. Hindi man sila pinalad nina Vice Ganda na manalo sa Magpasikat ay at least nakapag-release siya ng magandang kanta para sa tatay niyang si Modesto Tatlonghari.

Sa susunod na Magpasikat, may formula na ba na dapat madrama at nakakaiyak? Hindi naman yata requirement ‘yun, ‘di ba?

Basta buo ang konsepto, fully realized at may kurot sa puso maliban sa nakakaaliw.

Sa susunod na anniversary, magandang idea kaya na may Kapuso talents na ring makasama ang mga Kapamilya hosts ng It’s Showtime?

We’ll see.

Nakakataquote:

Ate Vi, ‘di nagpa-pressure sa deadline

“Hindi ko inasahang makakasali kami sa MMFF kasi simula pa man, ayokong magpa-pressure sa ganu’n at sa deadline. Pero ang maganda lang, nakagawa muli ako ng pelikulang na-challenge ang pagka-artista ko sa Uninvited.” – Vilma Santos

EFREN REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with