Executive producer daw si Judy Ann Santos sa 2024 Metro Manila Film Festival entry ng Quantum Films, Cineko Films at Purple Bunny Productions na Espantaho. Kaya sa isang post ni Atty. Joji Alonso, producer ng Quantum Films, pinasalamatan ang aktres na bida rin ng horror movie.
“Thank you @officialjuday for collaborating and co producing this film with me and my team. I can’t wait for everyone to see what we have completed. From the superb ensemble cast to the cinematography, to the production design, to the special effects and most importantly, the direction. This is the horror movie event of 2024 which one must watch on the big screen!!!”
May mga nagtanong kung first time ba ni Judy Ann na maging co-producer ng sariling pelikula? Kung first time, ibig daw sabihin, malaki ang tiwala nito na maganda ang project. Malaki rin daw ang tiwala nito kay Atty. Joji, kay director Chito Roño at iba pang kasama sa team.
Nagpasalamat din si Atty. Joji kay Lorna Tolentino na isa pa sa bida ng Espantaho for accepting the role of Rosa and for helping her in time of her lowest moments this year. Sagot ni LT kay Atty. Joji, “I will always be thankful.”
Samantala, sinagot ni Atty. Joji ang nagtanong kung ano ang ibig sabihin ng espantaho? Scarecrow pala ito, ‘yung mga inilalagay sa gitna ng rice fields at ibang taniman para takutin ang mga ibon at hindi kainin ang seeds ng mga tanim.
Ayan, may idea na tayo sa espantaho at dahil horror ang movie, ang mananakot dito ay scarecrow. Mas naging exciting ang movie mula nang malaman kung ano ang espantaho.
Max, pamilya pa rin ang turing kay Pancho
Positive vibe ang dala ng reels post ni Max Collins na magkakasama sila ng ex niyang si Pancho Magno at ang anak nilang si Skye. Lalo pang natuwa ang netizens sa caption ni Max sa video nila na “Family fit” dahil family pa rin daw pala ang turing ni Max sa kanila kahit hiwalay na sila ni Pancho.
Lalo pang natuwa ang netizens sa comment ni Pancho na red heart emoji at ang feeling ng marami, nagkabalikan na sila. May nag-comment nga na nami-miss niyang makitang magkasama silang tatlo, kaya laking tuwa niya nang mapanood ang reels.
May mga paladesisyon pa nga na nakiusap na magkabalikan na sina Max at Pancho dahil kawawa raw si Skye. In fairness sa former couple, nagkikita-kita silang tatlo with their son sa mga birthday ni Skye na kahit kanya-kanya silang bigay ng birthday party, laging present ang isa sa pa-birthday nila sa kanilang anak.
Napuri pa nga sila dahil unlike other celeb couples na magkahiwalay, hindi sila nag-aaway online. Wala silang parinigan, walang mga cryptic post at quote card patungkol sa isa. Kaya kung magkakabalikan man sila, magiging madali at hindi na sila dadaan sa sumbatan stage.
Gabbi, nilinaw ang panalo nila Kim
Ipinaliwanag ni Gabbi Garcia kung bakit ang grupo nina Kim Chiu sa Magpasikat segment ng It’s Showtime ang nanalo. Nakita raw niya bilang isa sa mga hurado na malinaw ang storytelling at talagang pinagtalunan nilang mga hurado. Umabot nga raw ng more than an hour ang kanilang deliberation.
“Personally, bukod sa napakagaling nilang lahat, I feel like the storytelling ‘yung sa kanila ‘yung pinaka-clear, na talagang tumusok sa puso namin. Parang it was a long deliberation, we were in the room for maybe more than an hour, discussing kung sino ba talaga ‘yung third place, second place, first place... Yes... talagang, nagdebate talaga lahat and sobrang lahat ng judges this year... talagang lahat may insights... I loved how diverse also the crowd this year. Talagang we made sure na deserving talaga ‘yung mananalo,” sabi nito.
Sa sinabing niyang ito, matitigil na siguro ang mga tanong kung bakit ang grupo nila Kim ang nanalo. Ang linaw ng pahayag ni Gabbi.