Katrina, pinatawad na ang sarili

Katrina Halili.
STAR/ File

Inamin ng Kapuso actress na si Katrina Halili na sinubukan niyang magpaalam sa GMA noon sa gitna ng intrigang kinasangkutan niya.

Isa raw sa mga importanteng natutunan niya ay noon ay nakita raw talaga niya kung paano siya inalagaan ng network na talagang ipinagpapasalamat niya.

Binalikan din niya ang pinakamatinding kontrobersiyang kinasangkutan niya sa buhay at laking pasasalamat niya na nakabangon at nalagpasan niya iyon.

Masaya raw siya dahil nakatayo siya. Strong at lumalaban daw at wala siyang pakialam sa opinyon ng iba sa kanya.

Tinanggap daw niya ang pagkakamali at itinatama niya.

Aminado naman siyang may pagkakamali siya sa nangyari pero wala siyang nadaramang galit sa nangyari.

Para raw sa kanya ay kapag natanggap na sa sarili na nagkamali, patatawarin ang sarili at manghingi ng tawad sa Diyos.

Basta raw na-recognize ang mali ay dapat wala nang pakialam sa mga tao dahil walang dapat patunayan dahil lahat naman daw tayo ay nagkakamali.

Inakala raw niyang “dead na dead na” ang karera niya noong panahong iyon kaya sinubukan niyang magpaalam sa GMA network.

Ayaw raw niyang mapanood siya ng mga tao dahil alam niyang lalaitin lamang siya ng mga ito. Pero nang magpaalam siya ay hindi siya pinakawalan ng mga ito.

Thankful daw talaga siya na pinagkatiwalaan pa rin siya ng mga ito dahil ang tiwala ng mga ito noong 2009 ay nabuhay pa niya hanggang ngayon. Bongga.

Show comments