^

PSN Showbiz

Magandang aktres, therapy ang pagpapakalkal ng mukha!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kasamang produ ‘di nakilala... 

Hiyang-hiya si film producer sa isang magandang aktres nang magkita sila sa isang birthday party kamakailan lang.

Ang ganda ng kaway at ngiti ni magandang aktres nang dumating si film producer. Si produ naman ay parang nonchalant lang dahil hindi niya alam kung sino itong magandang girl na kumakaway, na parang ang sobrang excited nang makita siya.

Nang magkabatian, super tsika na agad si magandang aktres sa kanya. Hindi pa rin alam ni film produ kung ano ang ire-react niya dahil hindi niya talaga knows kung sino itong kaharap niya.

Hindi na makatiis si film produ, tinanong niya si aktres kung saan nga ba sila nagkakilala. Naloka siya nang sinagot ito ni magandang aktres na nagkasama sila kamakailan lang sa isang film project na kinunan sa ibang bansa.

Doon lang na-gets ni film producer kung sino itong magandang aktres na katsika niya. “Ang bobo ko talaga!” bulalas ni film producer.

Wala pa raw dalawang linggo silang nagkasama sa isang pelikulang kinunan pa sa ibang bansa. Magkasama raw sila ng villa na tinutuluyan at ipinaghuhugas pa nga raw niya ito ng plato.

Hindi raw kasi niya talaga nakilala dahil ibang-iba na naman daw ang mukha niya. Parang may pinabago na naman daw ito kaya ang laki ng ipinagkaiba ng mukha kumpara nung nagkasama sila wala pang isang buwan.

Hindi na raw siya naninibago, kung talagang therapy na nitong si magandang aktres na magpakalkal ng fez, pero hindi raw niya akalaing wala pang isang buwan ay may nabago na naman sa mukha nito.

Style raw kaya nitong si magandang aktres na pagkatapos ng isang project ay nagpapabago na naman para sa panibagong role na gagawin?

Totoo nga yata ang sinasabi ng iba na nakakaadik daw talaga ang magparetoke ng mukha.

Mikee, malalim na ang koneksyon kay Paul

Mag-four years nang magkasintahan sina Mikee Quintos at Paul Salas, at sinasabi ng Kapuso actress na lalong lumalim na ang kanilang relasyon.

Iba na ngayon, kumpara nung nagsisimula pa lang sila. Ibinahagi ni Mikee sa nakaraang media conference ng bago niyang programa sa GTV, na malaki ang naitulong ni Paul noong matagal siyang natengga.

Ang huling project pa raw niya ay ang mini series na The Write One at hindi na ‘yun nasundan. Sa halip na mawindang, nagpa-workshop siya sa Sparkle ng hosting, at  sobra raw niyang na-enjoy.

Hindi nagtagal, inalok sa kanyang mag-host ng cooking na mala-talk show na pinamagatang Lutong Bahay. Magsisimula na bukas, Lunes ng 5:45 ng hapon sa GTV, na mapapanood Lunes hanggang Biyernes.

Ang laking tulong daw sa kanya ni Paul dahil lagi raw siyang ginagabayan at ipinaalala na halos lahat na mga artista ay dumadaan sa natetengga sa trabaho.

Nang mabuo na raw niya itong Lutong Bahay, si Paul pa raw ang unang naiyak nang nakita nito ang teaser. Kaya ang laki raw talaga ng nagawa ng nobyo niya para malagpasan nito ang ‘bagot moment’ niya nung natengga itong walang trabaho.

“Siguro by now ang masasabi ko po. Napi-feel sa akin ni Paul ‘yung hindi ko ini-expect… akala ko hindi kami aabot sa ganun ka-deep na connection.

“By now, na-feel ko na kay Paul ‘yung level of trust na we have. I feel safe with him na. That’s hard to reach e, na kaya mong sabihin kahit ano sa kanya. Kahit alam mong ikakagalit niya, sasabihin mo pa rin kasi ganun ka katiwalang safe ka sa kanya,” sabi pa ni Mikee Quintos.

Siyanga pala, makakasama ni Mikee rito sa Lutong Bahay ang mga magagaling at kilala sa social media na chef, sina Chef Hazel Anonuevo, Chef Ylyt Manaig, at ang kuwelang si Kuya Dudut.

vuukle comment

FILM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with