Ogie tuwang-tuwa sa Bini, binigyan ng pang-shopping

BINI
STAR/ File

Si Ogie Alcasid, kasama sina Kim Chiu, MC at Lassy, ??ang nanalo sa  Magpasikat ngayong taon sa It’s Showtime, Sabado.

Nangunguna nga ang Team Ogie, kasunod ang team ni Jhong Hilario kasama sina Jackie at Cianne, habang pumangatlo naman ang team ni Anne Curtis kasama sina Jugs at Teddy.

Anyway, sosyal ni Ogie dahil ipinag-shopping pala niya ang BINI sa Los Angeles, California.

Inamin ni Ogie, sa ginanap na mediacon para sa OgieOke 2 Reimagined, kung saan nga magiging guests niya ang BINI, kaya naman naging malapit na rin ang grupo sa kanya.

“Actually, mayroon kaming collab na gagawin. It’s titled ‘Sige, Galaw, Galaw.’ Dapat ire-record na namin nitong November, pero hindi natuloy kasi nga, bigla silang nag-concert sa Araneta. So, medyo busy sila.

“So, nakiusap sila na kung pwede ba na next year na namin i-record ‘yung collab. Sabi ko, walang problema,” pag-aalala ni Ogie.

At ang sumunod nagkita sila ay Los Angeles para sa ASAP kaya’t biniro niya ang mga ito ng “gusto n’yong mag-shopping?”

Nag-yes ang girls at nagsigawan pa nga raw. Kaya binigyan niya sila ng pang-shopping.

“Natutuwa lang kasi ako sa mga batang ‘yan and I’ve always been a supporter of them. So their success is something that I’m blessed to see, to witness. So, natuwa lang ako. Parang regalo ko lang sa kanila ‘yun,” sey ni Ogie.

“Nu’ng tinanong ko kung pwede ba silang mag-guest (sa ‘OgieOke 2’), walang kaabog-abog, ‘of course, we’ll adjust to your schedule,’” kwento ng OPM singer sa nasabing presscon na ginanap sa Kamuning Bakery.

At thankful siya dahil wala raw kahirap-hirap na kausap ang handlers at management ng BINI kaya sobrang thankful niya.

“In fairness to them, hindi sila sumingil sa akin. Parang ang sabi sa akin, ‘bahala na kayo,’” aniya.

“Baka ‘yung pang-shopping (na binigay) ko, ‘yun na ‘yun,” pagbibiro pa ni Ogie.

“But no, of course, we allotted talent fee for them,” pahabol naman niya.

At nang tanungin kung saan niya ipinag-shopping ang BINI girls, chika ni Ogie, “I think, nag-Sephora (beauty and cosmetic shop) yata sila. Mahilig pala talaga sila sa makeup.”

Anyway, kakantahin ng BINI sa concert ni Ogie ang hit song nilang Salamin, Salamin at magdu-duet sila ng Dito sa Puso Mo.

Magdu-duet din sila ni BINI Maloy ng bagong version ng Hanggang Ngayon.

Bukod sa collab nila, ang isa pang bagong makikita sa OgieOke 2 Reimagined ay ang mga bagong arrangement ng kanyang hit songs.

Uulitin din niya ang performance niya sa Magpasikat 2024 kung saan ay tumugtog siya ng piano while singing na umiikut-ikot sa ere.

Ang OgieOke 2 Reimagined ay magaganap sa Nov. 30 at the Newport Performing Arts Theater.

Bukod sa BINI, guests din niya sina JM dela Cerna at Marielle Montellano. Ididirehe ito ni Paolo Bustamante at musical director naman si Bobby Velasco.

Show comments