^

PSN Showbiz

Shanaia, napuri sa gatekeeper

Pilipino Star Ngayon

Samahan ang Next Gen Multimedia Star na si Shanaia Gomez na lutasin ang kababalaghang bumabalot sa pagitan ng mundong ibabaw at impyerno sa iWantTFC horror original na The Gatekeeper, now streaming nang libre at on-demand sa iWantTFC.com.

Sa kanyang kauna-unahang lead role, gagampanan ni Shanaia ang isang antiques dealer na si Cita Mendoza na makadidiskubre ng isang misteryosong aparador, na isinumpa palang magsilbing tulay patungo sa kadiliman – ngayong nagbabadya ring makawala ang mga kaluluwang uugnay rin sa kanyang masalimuot na nakaraan.

? Mula sa direksyon nina Matthew at Dean Rosen ng award-winning biopic na Quezon’s Game, ilang taon din ang inabot bago mabuo ang pelikula na kakaiba ang atake nito sa horror genre, tampok ang blend ng biblical elements sa Filipino folklore.

Aniya ni Direk Matthew sa naunang interview, “I’ve been working on it since 1984 and it took a lot of research. There’s a lot of stuff to get your head around through it. From the initial discovery that I had in the Holy Land of something mystical that happened 3,500 years ago. I have had to research it because it’s not very commonly known.”

Samantala, pinuri naman ng mga manonood ang kababalaghan-factor ng pelikula, pati ang pagganap ni Shanaia sa kanyang very first lead role.

Libreng mapapanood ang iWantTFC Original na The Gatekeeper sa iWantTFC.com at sa official app nito (available sa iOS at Android).

Bukod sa The Gatekeeper, ipapalabas din nang libre ang ilang horror classics na swak sa panonood ngayong Undas, tampok ang sariling picks ni Shanaia gaya ng featuring Feng Shui, Segundo Mano, Seklusyon, Wag Kang Lilingon, The Ghost Bride, Shake, Rattle, Roll XV, at iba pa.

Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay.

vuukle comment

SHANAIA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with