Pumirma ulit sa Kapamilya... Donny, napuri sa mabilis na pagdadala ng relief goods

Donny Pangilinan

Muling pumirma sa ABS-CBN ang longtime Kapamilyas na sina Jake Cuenca, Melai Cantiveros-Francisco, Sam Milby, Francine Diaz, Donny Pangilinan, at Joshua Garcia sa ginanap na Forever Kapamilya Network Contract Signing event.

Excited si Donny na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career sa ABS-CBN at maghatid ng mga proyekto na hindi pa nakikita ng mga manonood.

“I’m just so happy that despite everything we’ve never lost hope and we continue to come up with more things that people have not seen before, and I’m just very, very glad to be part of this journey and I can’t wait for what’s to come,” sabi ni Donny na unang naging MYX VJ taong 2016 at ngayon ay naghahanda na para sa kanyang bagong serye na How to Spot a Red Flag kasama si Belle Mariano. Na by the way ay pinasalamatan ng kanyang fans sa personal na pag-deliver ng relief goods sa Angat Buhay!

Inilahad naman nina Joshua at Francine na itinuturing nilang pangalawang pamilya ang ABS-CBN at nagpapasalamat sila sa tiwala at mga oportunidad na ipinagkaloob nito sa kanila.

Ani Joshua, “Thank you sa 10 taon na pagtitiwala sa akin at hindi nyo ako iniwan. Kayo na yung parang naging pangalawang pamilya ko kaya maraming salamat. And of course to Star Magic, kung hindi dahil sa tiyaga nila sa akin sa pag-hone ng craft ko, maraming salamat.”

Sabi naman ni Francine, “It’s another open door para sa akin para sa mas maraming opportunities at mas maraming blessings at sa pinto na yun naghihintay sa akin ang pangalawang pamilya ko.”

Ibinahagi rin ng Kuan On One host na si Melai ang kanyang galak na patuloy maging bahagi ng ABS-CBN family kung saan naging kabilang siya simula nang pumasok siya sa Pinoy Big Brother: Double Up taong 2009.

Aniya, “Hindi ko maimagine ang sarili ko na wala ako sa ABS. I’m so happy with this family.”

Samantala, isang “surreal moment” ang maging bahagi ng nasabing contract signing event para kay Sam na isa sa OG PBB housemates.

Sabi ng actor-singer, “To imagine na exactly 19 years ago I was still in the [PBB] house. Here I am 19 years later, still a Forever Kapamilya. It’s a surreal moment hanggang ngayon.”

Isang Kapamilya actor simula 2006 si Jake na nagbigay naman ng tips para sa mga baguhang artista na nagnanais maging ‘Forever Kapamilya.’

“It’s determination, ambition and this hunger for excellence. You have to love it, you have to want it really, really badly just as much as you want to breathe,” ani Jake na huling napanood sa hit series na The Iron Heart at What’s Wrong With Secretary Kim.

Pinangunahan ang Forever Kapamilya Network Contract Signing event nina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, group chief financial officer Rick Tan, at Star Magic head Laurenti Dyogi.

Nakibahagi rin sa mahalagang okasyon ang talent managers na sina Alan Real, Cris Tapang, Monch Navales, Nenette Rustia, April del Rosario, at Deejaye Cuadrado Dela Paz ng Star Magic. Dumalo rin ang co-manager ni Melai na si Kate Pepito, co-manager ni Sam at president ng Cornerstone na si Erickson Raymundo, co-manager ni Francine na si John Ling, at co-manager at ina ni Donny na si Maricel Laxa-Pangilinan.

Show comments