Miss international 2018, nabiktima ng poser na humihingi ng ayuda!
Nakakalungkot naman na ang dami nang apektado nitong sama ng panahon. Ngayon pa naman na parang ang daming nangangailangan ng ayuda at tanggapin natin na ang dami nang naghihirap.
Talagang medyo apektado ka dahil nakikita mo mga taong hirap na hirap na sana nga matulungan ng mga puwedeng tumulong.
Malaki ang ginagawa ng ating gobyerno para maayos ang lahat. Nakakaawa nga kung minsan makita ‘yung pagod sa mukha ni President Bongbong Marcos habang nagtratrabaho. Ang hirap talagang maging leader dahil kahit anong gawin mo, tiyak meron ka pa ring pintas na maririnig.
Kaya naman saludo kami sa tahimik na paggawa ni President Marcos ng mga dapat niyang gawin. Puntahan ang mga dapat puntahan. Magbigay sa dapat bigyan.
Saludo rin ako kay Usec. Honey Rose na talagang laging naka-check sa mga dapat maayos quietly. Silent worker. No drama.
Kaya nga tulung-tulong tayong lahat. Ito ang panahon dapat tayong magtulungan. Bongga.
Samantala, sa gitna ng paghagupit ng bagyong Kristine ay ginamit pa ito ng mga scammer para makapanamantala.
Nagbabala ang Miss International 2018 first runner-up na si Ahtisa Manalo sa netizens tungkol sa poser sa messaging app na Telegram.
Mabilis na umaksyon ang beauty queen at pinagbigay alam sa publiko na merong poser na gumagamit ng pangalan niya para makapagnakaw sa gitna ng kalamidad.
Ipinakita rin ni Ahtisa ang mga screenshot ng mensahe ng scammer na pinadala nito sa isang tao para nga humingi ng donasyon.
Sinabi ni Ahtisa na hindi raw sa kanya ang account na iyon at hindi sila direktang humihingi ng mga donasyon.
Nagshe-share lamang daw sila ng donation drives ng mga organisasyon para makapag-donate sa mga ito. Amplifier lamang daw sila ng mga pangagailangan ng tao at hindi taga-tanggap ng donasyon.
Kaya panawagan niya ay mag-ingat sa mga manloloko dahil hindi na nga bago ang mga ganito dahil bukod sa kanya ay marami pang mga celebrity ang nabiktima ng mga ito.
- Latest