^

PSN Showbiz

Sunshine, ayaw nang paglaruan ang love life

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, ayaw nang paglaruan ang love life
Sunshine Cruz

Masaya si Sunshine Cruz kahit walang karelasyon ngayon. Para sa aktres ay umiikot lamang ang kanyang mundo sa tatlong anak nila ni Cesar Montano. “Well, I’ve been with an action star. I’ve been with an ano… basta ngayon masaya lang ang buhay. Nandiyan ang mga anak ko, pamilya ko. Kung wala okay lang, kung meron okay lang din ako. Para sa akin kasi talaga, umiikot ang mundo sa aking mga anak, sa pamilya ko. Kung may darating, ‘Thank you, Lord!’ Kung wala, ‘Thank you, Lord!’ pa rin. ‘Kasi binigyan Mo ako ng tatlong magagandang anak,’ na eventually kapag tumanda akong mag-isa, aalagaan ako,” makahulugang pahayag sa amin ni Sunshine sa Fast Talk with Boy Abunda.

Nananatili ang pagiging magkaibigan nina Sunshine at Cesar para sa mga anak. Matatandaan namang kontrobersyal ang naging hiwalayan ng aktres at ang kapatid ni Ara Mina na si Macky Mathay. Tumagal nang halos anim na taon ang naging relasyon ng dating magkasintahan. Kung sakaling magkakaroong muli ng nobyo ay gusto na lamang ni Sunshine na gawin itong pribado. “Magkaroon man ng someone na nandiyan para sa akin o hindi, it’s something that I really don’t want to talk about in public anymore. Ang importante sa akin is ang approval ng mga anak ko at kung may respeto ang mga anak ko, okay doon sa lalaki. Then ‘yon ang mahalaga,” giit niya.

Marami nang natutunan si Sunshine mula sa mga naging relasyon noon. Ayon sa aktres ay hindi na kailangang ibahagi palagi sa publiko ang tungkol sa personal niyang buhay. “Para sa akin, ang hirap lang ma-involve ng public kasi mapaglalaruan. So hanggang maaari, kung meron akong dini-date o idi-date, what you see is what you get na lang. Kung makita n’yo kami, eh di okay, kung hindi, okay. Pero para i-share pa ulit sa social media or sa public, especially ‘yung lalaki hindi naman taga-showbiz, huwag na lang,” paliwanag ng aktres.

Chelsea, nakikipagkumpetensya sa sarili

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ni Chelsea Manalo para sa gaganaping Miss Universe 2024 sa susunod na buwan sa Mexico. Itinuturing ng dalaga na ang sarili lamang ang kanyang kakompetensiya. “Your biggest competition, it’s true what they say is yourself. And going through Miss Universe Philippines, I saw that within me. That everyday, I try as much as I can to just tell myself that I can, and even you have a lot of competition around you, it’s yourself, your biggest competition,” pahayag ni Chelsea sa Metro.Style. 

Aminado ang dalaga na talagang iniidolo ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Namangha umano si Chelsea nang mabigyan nang pagkakataon na makausap si Pia. “Looking at her right now, she has accomplished so many things. She’s not just a beauty queen, she is so many things. She’s an entrepreneur. She’s even an author. I really adore her for that but even in the pageant itself. It really showed her determination just to go forward to her dream. Having a conversation with her, it fascinated me to just have that connection with her. She’s so humble and she’s so kind at the same time,” pagbabahagi ng beauty queen.

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Chelsea sa mga magulang na palaging nakasuporta sa kanyang mga ginagawa. Mayroon daw palaging paalala sa dalaga ang kanyang ama at ina. “They never forget to remind me to pray, to keep yourself grounded, kahit noon pa man. Wala pa naman akong name in the industry. That’s what they always told me, to keep my feet on the ground and if you dream, then dream big,” paglalahad ng Miss Universe Philippines 2024 — Reports from JCC

 

 

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with