Bagyong Kristine, galit na galit sa rami nang ibinubuhos na tubig!

Kaloka talaga ang lakas ng bagyong Kristine.

Kahapon naman ang matinding hina­hagupit ay ang Batangas.

Makikita mo talaga sa mga video ang lakas ng ragasa ng tubig kaya kagulo ang mga taga-Batangas na ngayon lang daw nakaranas nang ganun kalakas na hangin sa buong buhay nila.

May mga nakita rin akong video sa Bicol na bubong na lang ang nakikita dahil lubug na lubog nga sa baha ang ilang kabahayan. Ganundin sa Quezon Province.

Kahit naman dito sa Metro Manila ay wala ring tigil sa pag-ulan pero at least hindi ganun kalakas kaya naman nadadaanan ang ibang lugar na binaha.

Pero talagang nakakaloka na ang Bicol ay binaha ng ganun. Bakit ganun kalaki? Hindi mo naman palaging isisisi sa climate change.

Hindi ko alam, pero malaki ba ang kinalaman ng quarrying kaya wala nang humaharang sa mga tubig sa bundok kaya dumidiretso na pababa ng mga kabahayan?

Hay! Nawa’y maging maayos ang lahat ng mga naapektuhan ng bagyong Kristine.

Sana ay maka-recover sila sa mga nasirang bahay at nawalang kabuhayan.

Show comments