^

PSN Showbiz

Pagbubuntis sa baby girl naging maselan...Ellen, nasa hospital pa rin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pagbubuntis sa baby girl naging maselan...Ellen, nasa hospital pa rin!
Ellen Adarna

Matipid pa rin talaga si Derek Ramsay sa  impormasyon tungkol sa panganganak ni Ellen Adarna.

Kagaya nung pagbubuntis pa lang ni Ellen ay wala talaga silang announcement dahil maselan ang kalagayan ng misis noon.

Nakumpirma lamang nang ipinost na ni Derek sa kanyang Instagram pagkapanganak ng kanyang asawa.

Matagal nang sinasabi ni Derek na gusto talaga nilang magka-baby ngayong taong 2024 dahil year of the dragon.

Iyun din ang sign nilang mag-asawa, kaya gusto nilang year of the dragon silang lahat sa kanilang bahay.

May IG story pa si Derek kahapon na bitbit ang kanilang baby, pero hindi pa ipinapakita ang mukha nito.

Nag-text ako kay Derek para hingan sana ng iba pang detalye, pero “thank you” lang ang sagot niya.

Kaya nagtanung-tanong lang ako sa ilang taong malapit sa mag-asawa, limitado lang din ang nakuha naming impormasyon.  Ang pagkakaalam daw nila, baby girl ang iniluwal ni Ellen at normal delivery raw ito.

Noong Martes, October 22 pala siya nanganak, at nasa maayos na kalagayan naman daw ang aktres.

As of yesterday, nasa hospital pa rin sila. Kaya kapag tine-text o tinatawagan si Derek, hindi niya masagot dahil nasa hospital pa raw sila.

Vilma mabilis napapayag si Aga, nadine naging anak na sa MMK

Punung-puno ng excitement ang boses ni Ms. Vilma Santos nang nakapanayam namin via phone patch sa programa naming Troika Talk.

Tuwang-tuwa siya sa mga artistang nakasama niya rito sa pelikula niyang Uninvited na official entry ng Mentorque Productions para sa 50th Metro Manila Film Festival.

Pinagsabihan pala niya si Aga Muhlach na dapat na tanggapin daw niya itong project na ito

“Nung in-offer ito sa kanya, nag-text sa akin, tumawag. Ang sabi niya, ‘Vi, totoo ba tong pelikula nating ito?’ sabi niya.

“Siguro nabasa na niya nung in-offer sa kanya. Ang sagot ko lang sa kanya, ‘alam mo Agaton, Agaton kasi ang tawag ko sa kanya.

“Sabi ko sa kanya, ‘alam mo Agaton, pag hindi mo tinanggap tong pelikulang ito, tandaan mo babawiin ko na ang kandila bilang ninang n’yo sa kasal.

“Kaya sabi ko tanggapin mo yan. Wala ka nang maraming sasabihin, tanggapin mo yan, magso-shooting na tayo,” natatawa niyang kuwento sa amin.

Nagpapayat pa raw ang aktor para sa pelikulang ito.

Ang isa pang sobrang ikina-excite raw niya ay nang nalaman niyang tinanggap na rin ni Nadine Lustre ang pelikulang ito.  “Nung sinabi nilang tinanggap ni Nadine. Oh my God! I was excited kasi napanood ko naman nung in-interview si Nadine, nung nanalo siyang sa Deleter, nag-Best Actress. Nung in-interview na sino ‘yung artista na gusto niyang makasama, binanggit ‘yung pangalan ko, sabi niya Vilma Santos.

“Kaya ako, excited ding makasama siya…’yung para bang dream come true rin, ‘yung parang ganun,” saad ni Ate Vi.

Pero ang isa sa ikinagulat niya, na hindi pala ito first time na nagsama sila ni Nadine.  “Alam mo, nagulat pa ako nung nalaman ko pala na siya pala ‘yung anak ko dun sa MMK sa Regalo episode.

“Siya pala yung mas bata. Nagkasama pa kami when, I think when she was only 11 years old din. Si Nadine pala yun? Kaya, sabi niya this is not the first time na makasama ko si Ate Vi. Nakasama ko na siya when I was young dun sa Maalala Mo Kaya.

“Kaya nung nagkita kami…I mean, she’s stlll good. She’s really good. She’s beautiful, and it’s really ano…I felt comfortable working with her,” dagdag niyang pahayag.

Kasama rin nila sina Elijah Canlas, Gabby Padilla, at Tirso Cruz III.

Pero nagulat din daw siya nang sinabi sa kanya ni Ketchup Eusebio na nagkasama na rin daw sila noon sa isang pelikula.

“Si Ketchup, hindi ko nalaman nung kaeksena ko si Ketchup, alam mo bang naging anak ko rin pala siya sa Dolzura Cortez?

“Sabi niya, ‘Mommy Vi, naging anak mo ako sa Dolzura Cortez. Hindi ba?

“Alam mo na-amuse lang ako sa career ko, imagine nakakasama ko ngayon ‘yung mga nakasama ko nung anak ko dati, ‘di ba?” natatawa pa niyang kuwento sa amin.

“Actually, they were telling it’s an honor daw ako ang makasama. Pero actually, ako mas nae-excite, kasi it’s a new world for me.

“Imagine, 60 years inabot ko pa yung black and white pa ako. Pero iba na yung approach ngayon e. Parang lahat ng bagay digital na. I’m very thankful kasi kasama pa rin ako,” sabi pa ng Star for All Seasons Vilma Santos.

vuukle comment

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with