On Point ni Pinky Webb, mapapanood sa Bilyonaryo 

Pinky

Inilunsad ng Bilyonaryo News Channel (BNC) ang isang bagong daily program, ang On Point, sa pangunguna ni Pinky Webb.

Si Pinky ay isang pinagkakatiwalaang boses sa national television, na kilala sa kanyang malalim na coverage sa mga isyu at magaling na pagkukuwento.

Aniya, mag-aalok ang On Point ng eksklusibo at napapanahong kwento at kaganapan sa bansa sa araw-araw at mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 7:30 pm.

Masusubaybayan ang Bilyonaryo News Channel sa free-to-watch television channel BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga at Naga) at cable TV provider na Cignal Channel 24.

Show comments