Hit Chinese drama mapapanood sa ABS-CBN

Ipapalabas na ng ABS-CBN ang internationally acclaimed Chinese drama series na The Untamed, simula Lunes (Oktubre 28), 10:15 PM, sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z at TV5.

Ang The Untamed ay isang drama adaptation ng The New York Times Best Seller novel na Grandmaster of Demonic Cultivation na isinulat ng Chinese author na si Mo Xiang Tong Xiu.

Pinagbibidahan nina Xiao Zhan, miyembro ng Chinese boy group na X Nine at Wang Yibo, miyembro ng Korean-Chinese boy group na Uniq, ang The Untamed.

Iikot ang kwento kina Wei Wu Xian (Xiao Zhan) at Lan Wang Ji (Wang Yibo), dalawang disipulo mula sa magkaibang respetadong angkan, na magkakakilala sa isang training. Aksidente nilang matutuklasan ang isang madilim na misteryo na nakatago nang ilang taon. Pagtutulu­ngan nilang alisin sa mundo ang nagbabantang na magiging dahilan ng pagkamatay ni Wei Wu Xian.

Makalipas ang labing-anim na taon, muling mabubuhay si Wei Wu Xian sa pamamagitan ng isang ritwal ngunit siya ay magtatago sa ibang pagkatao. Muling nakipagtagpo si Wei Wu Xian kay Lan Wang Ji at magtutulungan upang lutasin ang mga misteryo ng kasalukuyan at matutuklasan ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari sa nakaraan.

Mapapanood ang The Untamed simula Lunes (Oktubre 28), 10:15 PM, sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5.

Show comments