Dominic, nabiktima ni Kristine

Dominic

Grabe ang bagyong Kristine. Nilubog ang Bicol Region, ganundin ang Quezon Province, at iba pang probinsya.

Kitang-kita sa mga video ang hitsura ng mga bahay na nilubog ng baha.

Kaya walang biyahe papasok at palabas ng Bicol.

Parang ngayon lang bumaha ng ganun sa Bicol.

At kabilang sa mga nagdarasal ay si Barbie Imperial na isang Bicolana.

Inabutan din ng bagyo ang tropa ni Dominic Roque habang nagmo-motor. Aniya sa Instagram story : “Stranded here for two days now.

“If the sea permits. Tawid kami ng allen, diretso ako ng Tacloban para maka-fly ng Manila. Sila diretso ng pa-Surigao to Davao,” banggit ni Dominic habang nasa Magdalena Beach sa Oriental Mindoro. “5:00 pm pa malalaman if makakatawid kami ng dagat.”

May dagdag na siyang story habang sinusulat namin ito na nagmo-motor na sila pero walang banggit kung nakatawid na sila ng bayan.

Kabilang naman sila Heart Evangelista at Gerald Anderson na ginamit kaagad ang platforms para makahingi ng tulong at maipakalat ang mga nagaganap sa Bicol.

Show comments