^

PSN Showbiz

Balota ni Marian, hindi pinalitan sa mga sinehan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Balota ni Marian, hindi pinalitan sa mga sinehan
Marian

Bongga parami nang parami ang dumagsa sa mga sinehan kaya’t certified top grosser ang theatrical release ng pelikulang Balota na pinagbibidahan ng Kapuso Primetime Queen na si ­Marian Rivera.

Sa pagsisimula ng ikalawang linggo nito, patuloy na naghahari ang Balota sa moviegoers. Kahit daw noong Lunes—na itinuturing na isang mabagal na araw para sa mga pelikula—marami ang screening nito.

Of course, masaya ang GMA Films at ang Balota cast dahil ang layunin naman talaga nila ay maabot ang mas maraming tao sa mainstream cinema at nagpalawak pa ito ng audience na malaking bagay sa paparating na 2025 midterm elections.

Bukod sa pagiging bida ng Balota, nanguna rin sa pagbabahagi ng adbokasiya ng pelikula ang Cinemalaya 2024 Best Actress (Marian). “Ito talagang Balota, isang adbokasiya talaga siya kaya pinu-push talaga namin na mas maraming makapanood kasi wakeup call ito sa mga tao, higit lalo na sa mga kabataan,” aniya sa isang interview.

May special rate rin na ibinibigay sa mga mag-aaral at guro sa mga piling sinehan. “Dahil love na love ni teacher Emmy may special rate kami sa mga teachers and student para mas magaan sa bulsa nila ang panonood nila ng Balota,” ulit ni Marian.

Mala­king bagay ‘yun kaya sa mga hindi pa nakakapanood, go na sa mga sinehan.

Ay hin­di ko pa nga pala napanood. Ansama lately ng pakiramdam ko sa totoo lang kaya nganga ako sa bahay. Nagpapadagdag pa ng katamaran ko ang masamang panahon dahil sa bagyong Kristine.

Hay kaloka. Sana ay umayos na ang panahon para mas marami pang makapanood ng mga pelikula sa sinehan.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with