^

PSN Showbiz

Beauty pageant, ‘di pa lImot ni Gabbi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Beauty pageant, �di pa lImot ni Gabbi
Gabbi

Sampung taon nang aktibo si Gabbi Garcia sa show business. Kahit abala sa pagiging aktres ay sumasagi rin saisipan ng dalaga ang pagsali sa mga beauty pageant. Hindi lamang umano matuloy ang plano ni Gabbi dahil sa maraming bagay. “The desire is there. I always tell that in all my interviews. The desire is there but when reality kicks on you have so many things to consider. For example, contracts, ‘yung mga behind the scenes, endorsements, brands and ito ‘yung hindi alam ng mga tao na it’s a bit complicated. Ten years na ako sa industry so I’ve already built a lot of relationship with brands, with my colleagues that I would have to pause, to focus on the beauty queen world which is also hard. So hindi mo alam, is this the right or the smart decision? Or is it because it’s what your heart desires,” makahulugang paliwanag sa amin ni Gabbi sa Fast Talk with Boy Abunda.

Kabi-kabilang proyekto ang ginagawa ng aktres ngayon. Umaasa si Gabbi na makakapagdesisyon nang tama sa mga susunod na taon kung itutuloy ang balak na pagsali sa beauty contest. “It’s a matter of weighing things. you want to be smart but at the same time you want to be passionate about it. So ewan ko, I hope I still have time to decide,” giitng dalaga.

Magdadalawampu’t anim na taong gulang na si Gabbi sa Dis­yembre. Masayang-masaya ang dalaga sa naging takbong kanyang karera sa nakalipas na dekada. Marami pang mga bagay ang gustong matutunan ni Gabbi pagdating sa kanyang personal na buhay. “I feel like I am more open although I am a planner in certain things for example in hosting, in a lot of business-wise, and everything. But I am very much a learner as well. I really just open my arms when it comes to new possibilities and new learnings for example hosting. I really do talk a lot, I do host a bit before, pero hindi ko naman in-expect na ganitong level pala ng hosting kaya ko,” pagbabahagi ng Kapuso actress.

Jolina: ‘Nag-uusap lagi kami ni Marvin!’

Matagal nang napababalita ang posibilidad na muling pagtatambal nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa isang pelikula. Ngayon ay magkahalong emos­yon ang nararamdaman ng aktres para sa gagawin nilang reunion movie ni Marvin. Ayon kay Jolina ay pinagagandang mabuti ang script ng bagong pelikula sa direksyon nina Dan Villegas at Antoinette Jadaone. “Sana ito na, ang hirap ding magbitaw ng kung ano man. Ang nangyayari ngayon kasi kahit kami kinakapa rin namin. Sa amin ni Marvin, dream project namin ito. ‘Yung dream project mo, pababayaan mo ba? Tinitingnang maigi, sinusuri ng isa’t isa,” nakangitingpahayag ni Jolina sa ABS-CBN News.

Matatandaang pumatok sa mga tagahanga ang mga teleserye at pelikulang pinagtambalan nina Marvin at Jolina mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas. Hu­ling nagkatrabaho ang dalawa sa seryeng ‘Flor de Liza’ ng noong 2015 at pelikulang ‘Momshies, Ang Soul Mo’y Sa Akin’ noong 2021. Umaasa si Jolina na talagang matutuloyna ang paggawa nila ni Marvin ng kanilang reunion movie. “Always ako praying na ito na ito. Kung ibigay, I guess ito na talaga. Hoping kami talaga, nag-uusap kami lagi ni Marvin. Sana ito na talaga,” pagtatatapos ng actress-singer.

(Reports from JCC)

vuukle comment

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with