Fans hindi nakahinga sa kaba at takot...Kim buwis-buhay, sumirko-sirko sa ere!

Kim Chiu

Ang lala ng nerbyos ng mga nanood ng Magpasikat presentation ng grupo nina Kim Chiu and Ogie Alcasid kahapon sa It’s Showtime.

Talagang buwis-buhay.

Bukod sa kaba, nakakaiyak, lalo na nung natapos na niya ang kanilang performance.

Professional serkera / stunt woman ang dating ni Kim na tumitila-tilapon sa ere habang kumakanta si Morisette ang Isa Pang Araw.

Breathtaking.

Sa umpisa pa lang ay parang kabado na si Kim na kitang-kita sa monitor.

Pero pinatunayan niya sa nasabing performance ang pagiging total performer.

Binigay niya ang lahat na kahit napanood ko lang talaga sa nag-viral na video ay literal na parang ang hirap huminga sa sobrang kaba!

Kaya naman number 1 trending ang #Magpasikat2024OgieKimMCLassy hanggang kagabi.

Tweet ni Kim nung medyo hapon na, tutulog na raw siya dahil 4:00 a.m. pala ang call time nila kahapon. “Dahil jan sarap pa po magbasa dito pero sabi nga sa #Magpasikat2024OgieKimMCLass TIGIL. HINGA. KALMA. Good night po. Time to sleep.?? from 4am calltime ng kaba, kaluluwa, physical and mental readyness hihihi all in the spirit of fun for #magpasikat2024 salamat po sa lahat.”

Show comments