Pakinggan kaya ni Moira ang payo sa kanya ng isa sa mga haligi ng Original Pilipino Music (OPM)?
Binigay ngang halimbawa ni Rey Valera nang tanungin siya kung may staying power ba ang mga kasalukuyang Pinoy singer especially sa mga sumisikat na kanta ngayon sa ginanap na media conference para sa kanilang concert ni Marco Sison na Ang Gwapo at Ang Masipag several days ago (na nakatakda sa November 22, Music Museum).
Pag-amin ni Rey na ang andaming sumikat na kanta na siya mismo ang nagsulat ang pagkabilib kay Moira pero “Nakuha niya ‘yung style, may hitsura naman siya at gumagawa siya ng kanta. Konting tip para hindi pare-pareho ‘yung anggulo ng kanta niya.
“Ang tip ko sa kanya sa isang video message, puwede niyang instead na puro istorya ng buhay niya — you can get away with it once, twice. Pero yung pangatlo, baka maging redundant.”
Dagdag pa niya : “Kumbaga, gumagawa ka nang istorya, ‘yun at ‘yun din, magsasawa rin ‘yung nanonood o nagbabasa.
“Ngayon, ang tip ko sa mga songwriter-to-be — makikinig kayo sa video ko, ha? — ay ilagay n’yo ang sarili n’yo sa kapwa n’yo, put yourself in someone else’s shoes. O may tinatawag sa English na ‘empathy.’
“Ibig sabihin nun, ilagay mo ang sarili sa kapwa para hindi puro istorya mo ang lumabas sa gawa mo,” bahagi pa ng payo niya na nagpasikat na mga kantang Tayong Dalawa, Maging Sino Ka Man, Kahit Maputi Na Ang Buhok ko, Kung Tayo’y Magkakalayo at marami pang iba.
“Songwriter ako, I do that for a living. Ibig sabihin, hindi ko man istorya ‘yung sinusulat ko, istorya niya (subject) ‘yung ginagawa ko, bakit ko ginagawa yun?”
Dahil ang punto niya, walang pakialam ang mga tao sa istorya ng buhay o lovelife niya.
Sabi niya pa, mas may pakialam sila at makaka-relate ang pinag-uusapan sa kanya at hindi tungkol sa sarili niya.
May komento rin si Rey tungkol sa Ben & Ben na hindi lang basta singer, kundi sumusulat din ng mga kanta.
Pakiramdam daw niya ay may pumipigil sa mga ito. “Parang hindi pa nila pinu-fully embraced yung papel nila. May something, mayroong pumipigil sa kanila.
“Hindi ko alam kung pamilya o ayaw nilang magkahiwalay. Something is holding them back, yun lang.”
Well, take it from the expert kumbaga.
Anyway, kilala sa kanilang mga sold-out concert sa Pilipinas at sa ibang bansa, ang kakaibang witty banter at classic hits nina Rey at Marco ay tunay na tumatak hanggang sa kasalukuyang henerasyon.
Magbibigay pugay rin sila sa nasabing concert sa Total Entertainer na si Rico J. Puno.
Ang Guwapo at Ang Masuwerte ay produced ng Echo Jham Entertainment Productions and directed by Calvin Nierra. Tickets are available at the Music Museum box office and TicketNet.