Gerald at Julia namahinga bago mangampanya?!

Julia Barretto at Gerald Anderson

Namahinga sa ingay ng paligid ang magkarelasyong Gerald Anderson at Julia Barretto.

Bumiyahe nga sila para sumisid sa dagat, sa Palawan.

“Somewhere between the sky and the ocean, I found paradise,” sabi ni Gerald sa kanyang post.

Pero ang exciting part ng nasabing bakasyon nila ay nung nakuha sa video ni Gerald na nagulat si Julia sa bayawak na tumawid habang tumatakbo ang actress.

Talagang umeksena ang bayawak.

Anyway, dama ng mga followers nila na forever na talaga ang magkarelasyon.

May nagsabi namang nagbakasyon na sila bago ma­ging busy sa kampanya ni Marjorie Barretto na kakandidato namang konsehal sa Caloocan.

Show comments