^

PSN Showbiz

Maki, nagpasiklab sa AXEAN Music Festival 2024­at lany concert

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maki, nagpasiklab sa AXEAN Music Festival 2024­at lany concert
Maki

Nagpakitang gilas ang breakthrough artist na si Maki bilang closing act ng AXEAN Music Festival 2024 na naganap sa Bali, Indonesia kung saan ipinamalas niya ang all-out performance ng kanyang hits na Dilaw at Saan?

Ito ang unang international show ni Maki kung saan nakasama niya ang iba’t ibang Southeast Asian artists tulad nina crwn, Eco of bird, Mix Fenix, Munimuni, at Muri ng Philippines, Grrrl Gang ng Indonesia, mindfreakkk ng Thailand, Linying ng Singapore, at Golden Mammoth ng Malaysia.

Bukod dito, naging bahagi rin siya ng meetings at pitching sessions ng iba’t ibang international at local producers, artists, events organizers, at promoters. Sumabak din siya sa songwriting camp kasama ang Nameless Kids’ lead vocalist na si Nhiko Sabiniano.

Sinurpresa rin ni Maki ang kanyang fans nang mag-perform siya sa sold-out concert ng bandang LANY sa Philippine Arena kung saan inawit niya ang Out of My League kasama si Paul Klein ng LANY sa harap ng mahigit 50,000 fans. Kinanta rin niya ang hit song niyang Dilaw at sinamahan pa siya rito ni Paul gamit ang piano.

Samantala, ang latest single ni Maki na Namumula ay umarangkada na sa top 10 ng Billboard Top Philippine Songs Chart.

Naghahanda na rin ngayon ang Tarsier Records artist para sa kanyang sold-out show na Maki-Concert sa New Frontier na magaganap sa Nobyembre 29 at 30.

vuukle comment

ARTIST

MUSIC

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with