Kahit abala sa kabi-kabilang trabaho ay sinisikap pa rin ni Rhian Ramos na magkaroon ng oras para sa sarili. Sa tuwing may pagkakataon ay pinagtutuunan ng panahon ng aktres ang kanyang mga mahal sa buhay. “It’s really important to have downtime for myself.
That’s how I balance the fast-paced life and just try and keep sane. I have time for myself, time with my family, time for my friends. And I do actually prioritize that just as if it was work,” makahulugang pahayag ni Rhian.
Bukod sa isang bagong serye ay malapit na ring mapanood ang pelikulang Sinagtala kung saan ay isa sa mga bida ang dalaga. Kapag mayroong oras ay aktibo rin si Rhian sa social media. “I really just focus on my craft. I focus on acting and really taking my job seriously. Giving my maximum effort for every scene. And then for social media, I’m really just having fun,” giit ng aktres.
Kamakailan ay naghain ng kandidatura para sa pagka-Alkade ng Maynila ang nobyo ni Rhian na si Sam Verzosa. Mahigit tatlong taon nang magkasintahan ang dalawa.
Todo rin ang suportang ibinibigay ng aktres sa lahat ng mga ginagawa ng binata. “I completely support him. I really do hope that he gets the support and appreciation of a lot of people also,” pagbabahagi ng dalaga.
Take 20 sa HLA...Jobert, naranasang magpala ng snow sa Canada
Sa Canada na nakabase ngayon si Jobert Austria. Ibang-iba na ang pamumuhay ng komedyante roon kasama ang kanyang pamilya. Naranasan umano ng aktor ang sari-saring trabaho bilang isang overseas Filipino worker o OFW. “Bale international worker na rin ako. So na-experience ko ‘yung pagpapala ng snow. No’ng bago ako rito, nagtrabaho rin akong construction worker. Tapos puro Filipino ‘yung mga kasama ko. No’ng pumasok ako, ang sisipag nila eh. Kaso no’ng nando’n na ako kwento ako nang kwento. After one week, kinausap ako ng foreman nila. Sabi, ‘When you came nobody’s working. Always laughing, just eating.’ So one week, pinauwi ako,” kwento ni Jobert.
Masayang-masaya ang aktor dahil muling nabigyan ng pagkakataong umarte sa harap ng kamera. Kabilang si Jobert sa pelikulang ‘Hello, Love, Again’ na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Matatandaang nag-shooting sa Canada kamakailan ang buong grupo ng bagong proyekto. “Sobrang blessed po ako na dito na ako nakatira eh. Naisip na makasali ako and sobrang challenging. Kasi unang eksena ko po take 20. Masaya ‘yung character ko rito katulad ng mga ginagawa ko. Kasama ko pa si Joross (Gamboa), si Jhim,” paglalahad ng komedyante. — Reports from JCC