^

PSN Showbiz

Heart may reality show na, ‘di naniniwala sa shortcut!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart may reality show na, �di naniniwala sa shortcut!
Heart Evangelista

Kabogera talaga ang misis ni Senate President Chiz Escudero na si Heart Evangelista.

May sariling reality show na pala siya, mala-international celeb ang dating na mapapanood sa GMA 7.

Kung sabagay, sa loob ng mahigit 20 taon sa entertainment industry, gumawa si Heart ng kanyang marka bilang isang celebrity. At sa kabila ng kanyang tagumpay lagi siyang masigasig na matuto ng mga bagong bagay.

Para sa kanya, walang mga shortcut tungo sa tagumpay, kaya mas determinado siyang tumatak ang kanyang landas kahit na tila mahaba at mahirap ang hinaharap.

Sa kasalukuyan, siya ay kinikilalang global ­fashion icon at pinangalanan pa siya bilang top celebrity sa katatapos na Paris Fashion Week.

Naungusan nga ng misis ni Senate President Chiz Escudero ang iba pang Pinay celebrities sa fashion week tulad nina Anne Curtis at Pia Wurtzbach sa pagtatala ng $10.6M media impact value (MIV), base sa data ng Launchmetrics sa siyam na araw na fashion event.

Matatandaan na lu­magare si Heart sa ilang high profile fashion shows tulad ng Louis Vuitton, Dior, Loewe, Balmain, Elie Saab, Schiaparelli, at marami pang iba sa nasabing fashion event sa France na dati ay parang panaginip lang para sa mga Pinoy celeb.

Kaya tiyak na aabangan ng Pinoy fans si Heart sa comeback project niyang limi­ted series na Heart World, na magsisimulang umere sa Kapuso channel sa October 26.

Bongga. Palakpakan natin   at abangan ang kanyang Heart World kung saan ipapakita raw ang mga naranasan niya ng mga tagumpay at kabiguan na sumubok sa kanyang pasensya, tiyaga, at maging sa mga personal na relasyon.

Sosyal noh.

vuukle comment

ACTRESS

HEART EVANGELISTA

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with