Matapos ang matagumpay na pagpapalabas ng Tabing Ilog: The Musical noong Nobyembre 2023, muling nagbabalik sa entablado ng teatro ang pinakamamahal na 2000s barkadahan – Ang Tabing Ilog: The Musical rerun na nagkaroon ng mediacon sa B Hotel, last week.
Mahigit dalawang dekada na ang lumipas mula nang ipalabas ang orihinal na Tabing Ilog na hindi pa rin limot ng karamihan ang kuwento nito. Kaya’t walang dudang minamahal pa rin ng mga Pilipinong manonood, ang Tabing Ilog ay patuloy na nararamdaman sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN sa Philippine Educational Theater Association (PETA).
Ang kuwento, na nakasentro sa friendship, pag-ibig, at pamilya, ay nananatiling relatable sa lahat ng henerasyon, kahit na adapted na ito kumbaga sa isang bagong panahon na nagkaroon ng ibang approach dahil mabilis na pagbabago ng mga panahon.
Ang Tabing Ilog: The Musical ay unang na-conceptualize noong 2019 pero naharap sa mga pagkaantala dahil sa pandemya.
Gayunpaman, sa inspirasyon ng tagumpay ng kanilang unang collaboration sa Walang Aray, muling nakipagsosyo ang ABS-CBN sa Philippine Educational Theater Association (PETA) upang tuluyang bigyang-buhay ang musical version nito noong 2023 na isang malaking tagumpay.
“Super thankful po ako sa mga kasama namin kasi in a way, na-mold din po ‘yung utak ko po. Kung paano gumawa ng character at kung paano pa palalimin ‘yung paggawa ng character. Definitely nagkaro’n pa ng new ways kung paano palalimin pa si Rovic [this rerun],” pahayag ni Akira ng BGYO.
Sabi naman ni Vivoree na kasama rin sa naunang Tabing Ilog : The Musical : “Since matagal din kaming hindi nagkakasama or nagkakita-kita, parang nandun din ‘yung longing to perform and work with each other again after a long time. Feeling ko talaga mas magiging passionate kaming lahat this time kasi it’s a rerun. We want to do something better than what we did sa first run.”
Wala naman sa ginanap na presscon nito si Jhoanna Robles ng BINI. “Excited na po akong makasama ang barkada at ang Tabing Ilog: The Musical fam ay nag-effort ng matindi para po maibalik ang magic ng Tabing Ilog this year,” aniya sa isang video message.
Masaya naman ang PETA at ipinanganak ito. “Na-witness po ng PETA ang paglunsad, panganganak ng mga bagong thespian mula sa Star Magic,” sabi ni PETA Plus Program Director Melvin Lee.
Dagdag niya pa: “For most of them, it was their first time to do professional theater at natutuwa po kami sa PETA na kasama kami roon. Kasama kami sa kanilang theater journey.”
Mapapanood din dito ang seasoned theater actors na sina Joann Co, Red Nuestro, Gimbey Dela Cruz, Yeyin Dela Cruz, and Adrian Lindayag ganundin sina Lance Reblando, Vyen Villanueva, Teetin Villanueva, Jude Hindumdum, Vino Mabalot, and Miah Canton.
Mapapanood muli ang Tabing Ilog: The Musical sa PETA Theater ng Quezon City mula Nobyembre 8 hanggang Disyembre 1. Available ang mga tiket sa Ticketworld.
Patunay nga na hanggang ngayon ay buhay na buhay sa alaala ng marami ng programang Tabing Ilog dahil sa kasimplehan ng kuwento nito na pinagbidahan nina Kaye Abad, Paolo Contis, John Lloyd Cruz, Desiree Del Valle at iba pa