^

PSN Showbiz

Kris, cancer-free na pero may 3 deadly autoimmune conditions!

Dianne Canlas - Pilipino Star Ngayon
Kris, cancer-free na pero may 3 deadly autoimmune conditions!
Kris Aquino.
STAR/ File

May comeback show...

Nagbigay ng updates si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalusugan kahapon. Matagal-tagal daw siyang nanahimik dahil hirap siyang tanggapin ang katotohanan pero wala siyang magagawa dahil ito na ang kanyang ‘new reality.’

Sumailalim daw siya sa iba’t ibang test kabilang na ang PET (Positron emission tomography) Scan na kadalasang isinasagawa raw para ma-rule out ang cancer. Sa kaso niya ay isinagawa ito pagkatapos ng nakakapagod na chest CT scan at pati na rin sa baba ng kanyang mata (sa kanyang nose at upper cheeks) para matingnan ang breathing at sinus passages niya dahil sa patuloy na pananakit ng ulo niya at walang katapusang runny nose.

Sa sumunod na araw daw ay sinabi ng kanyang gastroenterologist na kailangan niyang simulan ang kanyang purge para sa endoscopy at colonoscopy dahil ayon sa kanya “The abdominal area, specifically my colon area lit up.”

Kadalasan daw ay sobrang tapang niya pero nang umalis ang kanyang doctor ay doon na raw siya napahagulgol. Pumasok daw ang oncologist ng nanay niyang si former president Cory Aquino, at surreal daw ang pakiramdam niya.

Maaalalang na-diagnose si ex-president Cory sa stage 4 colon cancer, at ganon din daw ang lola niya, na nanay nito.

Ang pinakamahirap daw ay ang sabihin kay Bimb na natutulog sa small sofa. Pinaliwanag niya rito ang mga posibleng mangyari at hirap na hirap siyang makita ito na pinipilit magpakatatag.

“Mama until they do the biopsy let’s trust God that you’re cancer-free. Lola will make sure you’ll get through this and if ever, mama it’s early detection,” pag-comfort ni Bimby sa kanya.

Biro pa raw nito, “I don’t think tito Noy is excited to have a reunion with you this soon because he’s enjoying the peace and quiet in heaven. You do know how you can talk nonstop?”

Diring-diri raw siya sa Pocari, Gatorade, Surelax na sinundan ng castor oil na kailangan niyang ubusin ng 10 p.m. sa pamamagitan lamang ng IV drip para maiwasan ang dehydration.

Pero naroon daw si Dr. Mike na isang surgeon na dumiretso sa kanya agad pagkatapos ng surgery nito na sinabihan siyang ‘wag siyang mag-alala na alam na raw ng marami kung sino ito sa buhay niya.

Ito ang napapabalitang rumored boyfriend niya na mula sa Makati Medical Center na si Dr. Michael Padlan, na tila kinumpirma na niya.

Laking tuwa niya nang sabihin ng doctor niyang si Dr. Jonnel na cancer-free na siya, “clear intestines. No visible sign of cancer.”

Nagpasalamat siya sa lahat ng nagdasal at pinakikinggan daw tayo ng Diyos at alam nito kung ano ang nasa puso natin.

Pero ang not so good news daw ay meron na siyang 5, possible 6 autoimmune conditions. Pero ang scary part daw ay tatlo sa diagnosed ay life threatening na maaaring makapinsala sa vital organs niya o sa kanyang blood vessels.

Tatlo raw roon ay “Churg Strauss now Known as HGPAa rare form of vasculitis; Systemic Sclerosis or SCLERODERMA; and LUPUS or SLE, Systemic Lupus Erythematosus.”

In good shape naman daw ang heart niya pero hypertensive siya.

Dagdag niya ang lahat daw ng kasama nila na lumalabas ay kailangang mag-shower at magsuot ng mask kapag naroon siya at ang mga bisita ay kailangang bagong ligo at hindi nanggaling sa iba pang lugar. Zero raw kasi ang kanyang immunity. Ang ubo raw sa kanya ay maaaring pneumonia at ICU confinement.

Pero pangako raw niya sa sarili “BAWAL SUMUKO. I need a goal, something for all of us to look forward to. #tuloyanglaban.”

Isa naman ang good news pa niya sa mga tagahanga niyang matagal na siyang hinihintay. Nagpasalamat siya sa kanyang former ABS-CBN bosses na pinayagan sina Darla at Jasmin na makatrabaho niya sa kanyang comeback show na ila-launch bago magtapos ang taon.

Sikreto raw muna ang concept pero makikita ang kanyang present day journey kasama sina Bimb at mga “through the years” best friends niya at pati ang team of doctors niya na kasama na sa kanyang most trusted friends.

Speaking of love life, nanawagan siya na ibalato na ito sa kanya.

“Apologies, but until my groom and i exchange vows, in that very small wedding (but surely not held outdoors) i’m choosing to keep my relationship private. Ibalato nyo na sa kin yun. Invited naman kayong lahat if and when sa kasal,” pagtatapos niya.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with