Kathryn, gamit na gamit ang friendship card!

Kathryn Bernardo.

Ang kantang Palagi ng mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde ang naging official soundtrack para sa pelikulang Hello, Love, Again na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Ayon kay Kathryn ay talagang nagustuhan niya ang kanta mula noong unang nailunsad ito sa publiko ni TJ. “Ginamit ko na ‘yung friendship card ko. That song, when they released Palagi naging sobrang gusto ko siya na OPM song. Gustung-gusto ko ‘yung kanta na ‘yon. Tapos last few days in Canada, nag-post si KZ na gagawa sila ng different version this time with KZ,” kwento ni Kathryn sa ABS-CBN News.

Para sa dalaga ay nababagay ang mensahe ng kantang Palagi sa istorya ng pagmamahalan nina Ethan at Joy na mga karakter nila ni Alden sa bagong pelikula. Mapapanood ang Hello, Love, Again simula Nov. 13. “Pag-uwi ko dito ni-release nila ‘yon. Sabi ko lang ang perfect, meant to be. Nag-release sila ng duet version. Tapos it’s like the life of Ethan and Joy, their love story. And parang sobrang bagay lang siya,” dagdag pa ng aktres.

Mahigit limang taon nang magkaibigan sina Kathryn at Alden. Matatandaang unang tinangkilik ng mga tagahanga ang tambalang KathDen sa Hello, Love, Goodbye noong 2019. Mas lumalim pa ang pagkakaibigan ng dalawa sa mga taong nakalipas. May bulung-bulungan na isang singsing ang iniregalo ni Alden kay Kathryn kamakailan.

Isang health ring umano ang naiwala pero muling nakita ni Kathryn pagkalipas ng ilang araw. Ngayon ay dalawa na ang singsing ng dalaga dahil sa bagong ibinigay sa kanya ni Alden.

Kaomiah, swak ang titigan

Ilang proyekto na ang pinagtambalan nina Kaori Oinuma at Jeremiah Lisbo. Nagkatrabaho ang tambalang KaoMiah sa He’s Into Her, Love at First Stream, at Fractured. Napapanood ngayon sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment sina Kaori at Jeremiah sa Halfmates. Ayon kay Jeremiah ay madali na lamang ang kanilang naging trabaho ng aktres para sa bagong serye. “It’s easier now, sometimes even with non-verbal communication, Kaori and I just look at each other and we know what to do, which is great, you can see our chemistry,” paglalahad ni Jeremiah.

Para naman kay Kaori ay malaki na ang ipinagbago ng kanilang bagong karakter kumpara sa kanilang mga unang nagawang proyekto. “I think the tandem of the two of us is more fun this time. Maybe depends on the story as well. Fun like and enjoy if I describe the tandem of the two of us today,” pagbabahagi ni Kaori.

Umaasa ang aktres na muling susuportahan ng mga tagahanga ang kanilang bagong proyekto ni Jeremiah. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto pang magtuluy-tuloy ni Kaori ang kanilang pagtatrabaho ng aktor. “I hope this is the start that somehow the work of the two of us will go straight. Of course we are not closing the doors for the opportunities but yeah, I am happy that I can work with Jeremiah again now and the next time,” nakangiting pahayag ng dalaga. (Reports from JCC)

Show comments