Nakakaaliw si Luis Manzano, pinaglaruan ang lababo at kinonek sa nauuso ngayong pagkahumaling ng mga Pinoy sa Labubu dolls.
Nag-post siya ng picture ng lababo (in fairness, malinis) at nilagyan ng caption na “Tama ba yung lababo na binili ko? Hirap ikapit sa bag?”
May followers siya sa Instagram na hindi na-gets ang joke ni Luis at humingi pa ng tulong sa co-followers niya para i-explain kung ano ang ibig niyang tukuyin sa kanyang post.
May nag-isip pa kung ano ang mali sa lababo at bakit may post siya. Tinawag tuloy na “nabobo” ang hindi na-gets ang joke ni Luis.
Sa mga mabilis nakuha ang joke niya at alam ang nauuso ngayong Labubu dolls, sinakyan nila ang joke nito. Dapat daw sinukat niya muna ang bag na pagsasabitan niya sa lababo at parang maliit. May nag-suggest naman na palitan na lang niya ang kanyang bag at mas mabuti kung sa maleta niya ikabit ang lababo.
Curious ang fans kung ano ang gagawin niya kapag nag-collect na ng Labubu si Jessy Mendiola?
O, kaya, makahiligan din ni Peanut ang Labubu? Si Congw. Vilma Santos-Recto kaya nagko-collect din kaya siya ng Labubu dolls? O, kaya Labubu bag charmers?
Sen. Bong, prinisinta sa puntod ng mga magulang ang doktorang anak
Very proud mom din si Congw. Lani Mercado-Revilla na may doktora na silang anak ni Sen. Bong Revilla. Nag-post si Lani ng larawan nila nina Sen. Bong at Loudette Bautista Revilla.
Ramdam ang pagiging proud mom ni Lani sa kanyang caption na “To my youngest daughter @dettebautisya you have worked hard to get to where you are now. Praying that all your wishes will come true. Let’s claim it in Jesus’ name. I love you always, anak!”
Anyway, bumisita si Bong sa puntod ng parents niya para i-share ang magandang balita. “Daddy and Mommy so happy in heaven. May apo na silang Doctora.”
Nabanggit ni Bong na dream ng dad niyang magkaanak ng doctor na hindi nangyari, sa apo niya kina Bong at Lani natupad ang dream ni Ramon Revilla Sr.