Jinkee, Marian at iba pang celeb, malaki na ang ‘investment’ sa ‘Monster’

Jinkee Pacquiao

Grabe na ang collection ng Labubu ni Jinkee Pacquiao.

Literal na ang daming nababaliw na celebrity sa Labubu sa kasalukuyan.

Ang iba ay buong pagmamalaki pa nilang pinapakita ang kanilang collection at may mga TikTok video pa ng unboxing na nagpapakita ng mga blind box, at dahil dun maraming kumikita dahil maraming nagbebenta ng napakataas na presyo.

Anyway, aside from Jinkee, massive rin ang collection nito nina Marian Rivera and Jed Madela.

May mga pinakita rin si Heart Evangelista na mga binili niya sa Bangkok.

Ganundin din sina tita Annabelle Rama and Kim Chiu.

Maging si Vice Ganda ay ipinakitang meron na rin siya nito.

Talagang ito ang trend ngayon, na pag wala ka, parang ‘di ka uso.

Anyway, ayon sa isang online article, ang Labubu ay batay sa Nordic mythology. Ang lumikha nito ay inspirasyon ng mga fairy tale ng Europe at nilikha ang Labubu kasama ang iba pang Monsters bilang mga karakter sa isang librong pambata.

Aktor, gustong patunayan na walang ninakaw na pera sa mga kasosyo

Nasa isang Asian country lang diumano naglalagi ang isang actor habang inaayos ang mga kailangan nilang i-file na counter charge matapos nga itong madawit sa isang kaso ng estafa.

Iniipon daw lahat ng mga kailangang papeles upang patunayan na hindi sa nasabing actor napunta ang malaking halagang diumano’y nawawala kundi sa ‘partner’ nitong isang foreigner.

Malaki-laki raw ang hinahabol na pera sa actor ng mga nagrereklamo.

Dasal ng mga nakakakila sa actor na malampasan nito ang kung anumang pinagdaraanan nito sa kasalukuyan.

Show comments