Pinoy fans ng One Direction, nagtipun-tipon

Nagdala ang fans ng flowers, letter, at kung anu-ano pang memorabilia upang patunayang apektado sila sa pagpanaw ni Liam Payne.

Nagtitipon din ang Pinoy fans ng One Direction sa isang mall sa Pasay City kahapon para magbigay pugay sa dating miyembro ng One Direction na si Liam Payne, na namatay noong Oktubre 16 matapos mahulog sa balcony ng kanyang hotel room sa Buenos Aires, Argentina.

Nagdala ang fans ng flowers, letter, at kung anu-ano pang memorabilia upang patunayang apektado sila sa pagpanaw ni Liam Payne.

Isang beses lang nakarating ng bansa ang One Direction, 2015, na binubuo nina Liam, Niall Horan, Harry Styles, Louis Tomlinson at Zayn Malik na nakilala sa British television contest na The X Factor.

Show comments