Heart, may payo sa mga nagmamadaling sumikat sa rampahan

Heart Evangelista

Ang “This is for you my darling” na post ni Heart Evangelista patungkol sa docu series niyang airing na sa Oct. 26, 9:30 p.m., sa GMA 7. Nadoble ang excitement ng fans na may airing date at time slot na ang Heart World na inaabangan nila at matagal nang nire-request na series.

Sa trailer pa lang na ipinapalabas sa GMA 7, sobra na ang excitement ng fans, paano pa kung mapanood na nila nang buo.

Samantala, hindi naman siguro shading ang post ni Heart tungkol sa pagiging top celebrity niya sa Paris Fashion Week ayon sa Women’s Wear Daily o WWD na isang fashion-industry journal. Galing naman sa Launchmetrics ang data ng WWD.

Sabi kasi ni Heart, “Just some thoughts-Numbers, ratings, likes will always change:) it should never determine your worth. (If by chance you make it- be thankful to those who blessed you with love)- be kind (sometimes it’s the har­dest thing to do) but KINDNESS WILL always WIN- it’s not how fast you get there... it’s all part of the story:) the show of your life is NOT gonna end with 1 season after all there has got to be more!:) so don’t rush! You’re on your own path:) take your time it’s not a rat race.”

Reading this, parang paalala at payo niya ito sa mga gustong sumunod sa kanyang path na maging successful sa mga fashion week, na ‘wag magmadali.

Jolina at Marvin, tuloy na ang reunion

Matutuloy na ang reunion movie ng former love team na sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Nagkita na ang dalawa with Jolina’s manager Perry Lansigan. Nasa larawan din sina directors Tonette Jadaone at Dan Villegas na producer din ng movie under Project 8 Project.

Ex Ex Lovers ang title nito na sabi agad ng netizens, bagay sa kanila. For sure, babagay rin ang story sa nangyari sa kanilang dalawa.

Wala pang ibang detalye sa movie, gaya kung sino kina direk Dan at direk Tonette ang magdidirek nito.

Wala pa ring nabanggit sa ibang co-stars na safe to say, sa 2025 na ang showing. Matagal nang nabalita na muli silang gagawa ng pelikula  at ang balita pa nga, ang Star Cinema ang magpoprodyus ng movie.

AJ sinugod ng bashers, pinayuhang gayahin si Kylie!

Ayaw talagang tigilan ang pagtawag kay AJ Raval na “kabit” siya ni Aljur Abrenica at hindi ito matitigil hangga’t hindi sila nakakasal. Kapag nag-post si AJ na magkasama sila ni Aljur, tiyak na may magko-comment na kabit lang siya at ‘wag siyang maging kampante.

Gaya na lang nitong post niya na yakap siya ni Aljur at kahit walang caption, inaway pa rin siya ng netizens.

Dagdag pa ng netizen, sana ‘wag lantaran ang PDA sa social media, hintayin muna na maging legal ang paghihiwalay nina Aljur at Kylie Padilla bago sana lumantad ang actor at bagong karelasyon.

In fairness sa netizen, binanggit na may boyfriend din si Kylie, pero hindi nito pinapakita sa socmed, kung makita man silang magkasama, minsan lang.

Sana raw gayahin ni AJ si Kylie, pero sa sagot nito sa nag-comment, mukhang palaban si AJ. “Sorry, dapat itago muna rin namin. Tama ka naman. May natutunan ako sayo,” sagot nito na naging daan para humaba pa ang usapan.

Sabi naman ng ibang netizens, dapat magsalita na si Aljur at ipagtanggol si AJ dahil ang sama ng sinasabi ng tao sa kanya. Kung talagang mahal niya si AJ, dapat ipagtanggol niya.

Show comments