Pinatunayang ‘di pa palipas... BINI, may bagong endorsement

BINKI

Nothing can stop BINI.

Kahit intrigahin pa silang malaki ang itinaas ng kanilang talent fee at kesyo palipas na raw sila, nadagdagan na naman ang endorsement ng P-Pop girl group na BINI. Sila ang newest ambassador ng Penshoppe, isang nangungunang lifestyle brand sa Pilipinas.

At nagkaroon ito ng media launching sa The Fifth sa Rockwell last Wednesday.

Na minarkahan ang simula ng pinakabagong campaign ng Penshoppe na, Be Your Own Icon, na naghihikayat sa lahat na ipakita ang kanilang confidence sa kanilang sariling style and stories.

At ang vision na ito ay upang bigyan din ng inspirasyon at ma-empower ang bawat isa na ipakita ang  best versions ng kanilang sarili.

At sa pakikipagtuwang sa BINI, isa sa biggest names in Philippine pop culture today, layunin nito na patatagin ang kinalalagyan bilang brand that shapes culture and inspires self-expression. “BINI not only exemplifies our brand persona—confident, current, fun, youthful, and cool—but also aligns perfectly with our ambition to build a brand that transcends borders,” said Brandon Liu, Brand Director for Penshoppe.

At ang Be Your Own Icon campaign ay magsisilbing a call to action, na humihimok sa mga customer na yakapin ang kanilang mga sariling katangian and stand out by being unapologetically themselves.

Ipinakita rin sa nasabing launching ang Q4 Iconic Collection, isang hanay ng mga bagong design para sa mga gustong magbago at magpahayag ng kanilang sarili nang may kumpiyansa. Kasabay nito ang exclusive performance ng BINI kasama ng sneak peek ng kanilang pinakabagong music video.

Na tiyak na magiging isa ring trending hit mula sa grupo na ang nilalaman ay kung ano ang kampanya ng brand na magkakaroon ng release on Oct. 20.

“Penshoppe continues to lead and influence culture, and our partnership with BINI is a testament to that commitment,” ayon naman kay Cisco Droege, Chief Product Officer at Penshoppe Group. “With a deep understanding of our customers and innovative global practices, we empower individuals to express themselves stylishly and accessibly.”

At bilang bahagi ng long-term partnership  nila, customers can look forward to interactive activities, including a dance challenge and the launch of two exciting scent lines – Juicy Tropics and Unleashed – dubbed the Binilicious Scents.

Show comments