Derek, takot na takot nang nabalian ang nanay!

Medy” Paggao at Mister
SATR/ File

Naospital pala nang mabalian ng braso ang nanay ni Derek Ramsay na si Remedios “Medy” Paggao matapos ang isang ‘bad fall.’

Ipinost ng aktor ang litrato ng nanay niya habang naka-confine sa ospital kasama ang tatay niya. Ipinakita rin niya ang x-ray ng braso nito na makikita ang ba­ling buto at kung paano rin ito nabuo ulit matapos maoperahan.

Takot na takot daw ang mister ni Ellen Adarna at ito ang ‘scariest moment’ ng buhay niya nang makita itong bumagsak at iniinda ang sobrang sakit.

Strong woman daw ang biyenan ni Ellen kaya mahirap na makita itong sumisigaw at umiiyak dahil sa sakit.

Matapos daw ang isang araw ay matagumpay naman ang naging operasyon kaya nagpasalamat si Derek sa lahat ng mga doctor at nurse na nag-alaga at pati na rin sa mga nagdasal at well wishes.

Nagpasalamat din siya sa Panginoon sa pagsagot sa lahat ng panalangin nila.

Mukhang mas maayos na ang lagay ng nanay niya habang nagpapagaling dahil nakakapag-make up na raw ulit ito sa sarili na isa raw magandang senyales.

Wala namang binanggit si Derek kung ano ang eksaktong nangyari sa ina at kung paano ito bumagsak. Pero mukhang matatagalan nga ang paggaling nito.

Marami namang netizen ang naka-relate sa nangyari sa nanay nito.

Delikado na raw talaga sa matatanda ‘pag nadudulas o nadapa. Sa experience nila sa mga lolo at lola nila ay ang iba pa nga sa mga ito ay ganon ang nangyari na kahit malakas at aktibo pa ay nanghina matapos maaksidente.

Nagkakaroon pa raw minsan ng komplikasyon dala ng katandaan.

Kaya doble ingat talaga sa matatanda na prone na sa fractures ang mga buto.

‘Walang hanggang pasasalamat’

Basta Christmastime, tatlo ang lagi kong inaasahang tutulong sa akin para sa giveaway ko – sina Mayor Enrico Roque, Avec Amarillo ng Villar Group, at siyempre si Mang Erning Lim ng UltraMega group of companies.

Talagang marami nang taon na wala silang sawa sa pagbibigay sa akin ng mga stuff na talaga namang malaking tulong sa friends ko na kailangan ang konting ayuda sa panahon ng Kapaskuhan.

Kaya naman walang hanggang pasasalamat talaga sa kanila at nairaraos ko ang mga commitment ko ‘pag Pasko.

Show comments