^

PSN Showbiz

Katrina,’di nililihim na maraming pinaretoke!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Katrina,’di nililihim na maraming pinaretoke!
Katrina Velarde
STAR/ File

Hindi ipinagkaila kailan man na nagparetoke ng kanyang mukha si Katrina Velarde. Sumailalim sa ilang procedure ang singer katulad ng rhinoplasty, non-surgical eyelid enhancement at chin at lip fillers. “First of all, halata naman po. May mga old photos po, so parang wala din pong sense talaga mag-deny,” natatawang pahayag sa amin ni Katrina sa Fast Talk with Boy Abunda.

Para sa singer ay kinailangan niyang sumailalim sa mga procedure upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili. “Serious po is actually parang important din po kasi nowadays ‘yung physical appearance din po. And I think I’m more confident po na nagpagawa ako,” pagtatapat niya.

Wala pa man sa music industry ay marami nang masasakit na salita ang naririnig ni Katrina tungkol sa kanyang hitsura. Kahit nakatatanggap ng mga papuri dahil sa galing sa pagkanta ay mayroon ding mga nagbabato ng hindi magagandang salita sa singer. “Laging, ‘Ang galing mo, kaso…’ Ang na-realize ko po ngayon lalo na sa music industry, ang tao po medyo weird lang, Tito Boy. Pero ang tao mas nanonood na sila. Hindi na sila nakikinig. Mas gusto na nila ‘yung maayos or magandang-maganda ka bago ka nila pakinggan. Parang ‘yon na ‘yung mas nasu-support po ngayon,” makahulugang pahayag ng nakilalang Suklay Diva.

Ella Mae at South border, nag-collab

Kasalukuyang nasa Pilipinas si Ella Mae Saison para sa nalalapit na Soundtrip Sessions Volume 3 concert sa Nov. 9. Magsasanib-pwersa ang singer at ang South Border sa naturang concert na gaganapin sa The Theater ng Solaire. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama sa isang concert si Ella May at ang naturang banda na pinangungunahan ni Jay Durias. “The fact that it’s Ella May, South Border said yes right away. To be able to share the stage with Ella Mae, and perform the songs from the ‘80s that have really good melodies. So motivating for South Border,” bungad ni Jay.

Ayon naman kay Ella Mae ay kaabang-abang ang lahat ng kanilang gagawin ng banda sa nalalapit na concert.  “We haven’t done a show together. This is the first major one that we’re gonna do. Iba talaga ang South border, iba ‘yung music, iba ‘yung tugtugan nila. Sa tingin ko nababagay ang music namin. They can expect a lot of emotions for this show. It will make them cry, make them sweat, everything,” pagbabahagi ni Ella Mae.

Muling mapapakinggan ang mga kantang pinasikat nina Ella Mae at South Border sa mga nakalipas na dekada. Kakaibang collaboration umano ang matutunghayan ng mga tagahanga ng musikang Pilipino. “Different kind of fuse. Kasi we don’t normally get a female vocalist on top of South Border’s music. So I think it’s gonna be a great chemistry. That’s so cool kasi we both share the same roots in music. It will be so comfortable for us,” paglalahad ni Jay.

“Kasi hindi na natin naririnig ngayon ‘yung mga dating songs na talagang ‘yon ang authentic. Dapat ma-revive natin, ito ‘yung gagawin namin. We will revive those songs from the ‘80s and ‘90s and make it a different one,” dagdag naman ni Ella Mae.

(Reports from JCC)

KATRINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with