‘Forgiveness isn’t an obligation, it’s a gift’ – Kathryn

Kathryn Bernardo, Direk Cathy at Alden Richards

Ahh may slight na hugot sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa tanong sa second chances.

Sa media day nga ng Hello, Love, Again, sinabi ni Alden na “‘Yun lang kasi ang mantra sa buhay ko, especially –you know, people tend to make mistakes over and over and over again and sometimes, hindi naman natin maiiwasan talaga, lalo na’t may magagawa tayo na ikakasama ng loob ng ibang tao.”

Dagdag niya : “And at the same time, at the end of the day, ‘yung iba minsan forgiveness talaga –you forgive and then you forget, but sometimes you forgive and move on, but you never forget,” na parang binulungan ni Kathryn ang unang sagot na “kung ang Diyos nga nagpatawad, why not me. But sometimes depende pa rin sa tao,” na ikinatawa ng mga andun.

Pero sumang-ayon din naman si Kathryn na lahat naman tayo ay nagkakamali, pero isang regalo aniya ang pagpapatawad.

“We all hope for a second chance, definitely. Lahat tayo tao lang, human beings. Even ako sa sarili ko, alam ko na magkakamali at magkakamali ako, makaka-disappoint ako ng tao whether it’s intentional or unintentional. Given ‘yun tao tayo eh, nagkakamali,

“And ako personally, I’ll do anything to be given that second chance, that opportunity to correct my wrongdoings, to rebuild relationships, I guess, and to maybe regain trust. All these things. Lahat ‘yun part ng forgiveness siyempre.

“But again, we have to remember, we are all different. Because some people can give a second chance, some can give multiple chances, and some won’t, and that’s okay. And we have to respect that kasi iba-iba naman ang tao, so depende talaga siya sa sitwasyon,” mahabang sabi ng actress.

Sinabi rin niya na ang ‘second chances’ ay isang choice at regalo na ibinibigay. “For me, lagi kong iniisip na ang forgiveness or second chances isn’t an obligation, it’s a choice and it’s a gift,” say pa ng ex ni Daniel Padilla.

“So kapag binigay ‘yun sa’yo ng tao, it’s a privilege just like any gift. We have to be careful and we have to earn that gift.”

Tampok sa kauna-unahang film collaboration ng Star Cinema ng ABS-CBN at GMA Pictures ang sequel ng phenomenal box office hit na Hello, Love, Goodbye ang pagpapatuloy ng kwento nina Joy (Kathryn) at Ethan (Alden) pagkalipas ng limang taon sa Canada kung saan tumungo si Joy mula sa Hong Kong para tuluyang tuparin ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Sa hindi inaasahang pagkukrus ng landas nila sa Canada, manumbalik pa kaya ang dati nilang samahan hudyat para magkatuluyan na sila sa wakas?

Mula sa direksyon ni Direk Cathy Garcia-Sampana ang pelikula na siya ring nasa likod ng Hello, Love, Goodbye at mapapanood sa mga sinehan umpisa sa Nov. 13. Mapapanood din ito sa maraming bansa.

Kabilang sa cast ng pelikula sina Joross Gamboa, Valerie Concepcion, Jennica Garcia, Kevin Kreider, Jobert Austria, Mark Labella, Marvin Aritrangco, Ruby Rodriguez, at iba pa.

Show comments