^

PSN Showbiz

Aktor, malambot sa mga love scene

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Nagtataka raw ang production staff ng isang film production sa aktor na kinuha para sa isang movie project.

Guwapo naman ang aktor at malakas anga appeal sa girls and gays, huh!

Pero may nagdududada pala sa sexual preference niya!

Nalaman ito ng staff nang gawin ang maiinit na eksena niya sa kaparehang aktres. Magaling naman siyang humalik sa babae, pero pagdating sa love scenes, nakukulangan ang director at staff!

Ilang beses daw inulit ang eksena para mas sensuwal ang dating ng lovemaking! Pero kahit ilang ulit kinunan ang eksena nakulangan pa rin ang director!

So para matapos na ang eksena, ginawan lang ng paraan ng director na magustuhan ng tao ang aktor kahit hindi marunong sa eksenang maiinit!

Pero take note, noon pa man ay nalalambutan na rin ang isang award-winning director sa aktor na mabenta dahil may galing naman sa pag-arte!

Barangay mirandas, nominado sa Asian TV Awards

Nagbunga ang sipag at dedikasyon sa trabaho ng kaibigan naming si Rosanna Hwang ng Kapitana Productions.

Ang sinulat at prinodyus na sitcom ni Kapitana Rosanna na Pipol of Barangay (aired as Barangay Mirandas) sa Net 25 ay nominated sa Asian Television Awards bilang Best Digital Drama!

Kahilera ng ginawa ni Kapitana Hwang sa prestigious dramas mula sa Singapore, China, India, Korea at Malaysia.

Sa sitcom, pinagbidahan ito ng singer-actress na si Julia Clarete. Gaya ng ilang local government units, puno rin ng rivalries at intriga sa barangay lalo na’t sa isang village sa Makati ang barangay!

Kasama rin sa sitcom si John Medina na kakumpetensiyang Kagawad ni Kapitana Miriam (Julia) at may dagdag pang intrigang kailangang matuldukan.

Sa nominasyong ito, ayon kay Kapitana Rosanna, “We are thrilled to be recognized at the Asian Television Awards and hope our series will resonate with audiences across the region.”

Ang Asian Awards Television ceremony ay gagawin ngayong Nov. 30, 2024 sa Jakarta, Indonesia.

Bukod sa Pipol of the Barangay, nakagawa rin ng isang movie si Rosanna na isinumite niya bilang entry for 2024 Metro Manila Film Festival!

STAFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with