Mikee Quintos, bubusugin ang mga kapuso sa lutong bahay

Mikee Quintos.
STAR/ File

Ngayong Oktubre, tiyak na mabubusog ang lahat sa mga tsismis at #LutongBahay na hatid ng mga pinakabagong paboritong kapitbahay sa pangunguna ni Mikee Quintos.

Makakasama ni Mikee sa Lutong Bahay ang mga social media influencers na sina Chef Ylyt TV, Chef Hazel Cheffy, at ang nag-iisang Dudut ng Team Payaman.

Nakaka-curious tuloy malaman kung ano pa ang mga dapat abangan sa pinakabagong programang ito ng GMA Public Affairs. Siguradong marami pa silang niluluto para ihain sa viewers.

Mapapanood na ang Lutong Bahay ngayong Oktubre sa GTV!

Show comments