HLA nina Alden at Kathryn worldwide ang showing, may midnight screening din

Kathryn Bernardo at Alden Richards

Worldwide ang showing ng sequel ng pelikulang Hello, Love, Goodbye, ang Hello, Love, Again, nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Pero mauuna itong ipalabas sa bansa sa Nov. 13 at magkakaroon ng midnight screening sa 75 cinemas.

Mapapanood ito sa New Zealand, Canada, UAE, Cambodia, Malaysia, Singapore, North America (250 theaters) at marami pang iba.

At hindi magkakalayo ang petsa, kaya first time na may worldwide showing ang isang local film.

Grateful daw ang buong cast sa nangyari dahil sabi nga nina Alden at Kathryn ay maipapakita na natin sa ibang bansa ang kuwento nina Joy (Marie) and Ethan.

Emosyonal sila dahil sinabi rin nilang marami silang pinagdaang pagsubok bago raw nila natapos ang shooting nito.

Show comments