Siguradong matutuwa ang mga showbiz at pop culture fans sa bagong TV5 variety show na Quizmosa, ang “chismis with a quiz” show na hosted ng OG chismaster ng industriya at pinagkakatiwalaang source ng juiciest celeb gossip na si Ogie Diaz.
Simula nga Oct. 21, mas pasasayahin ng Quizmosa ang Hapon Champion block ng TV5. Hatid nito ang iba’t ibang celebrity news trivia challenges na swak na swak sa certified marites na gustong maki-chika at maki-quiz!
Co-produced ng Cignal TV at MQuest Ventures, ang Quizmosa ay mapapanood mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. pagkatapos ng Eat Bulaga.
Tampok sa programa ang mga nakaiintrigang insider info sa buhay ng mga artista habang mapapaisip at mapapahula nang todo ang mga contestant.
Kaabang-abang din ang mga surprise guest appearances, mga matinding chismis, at trivia questions na susubok sa showbiz knowledge ng mga manonood.
“Quizmosa is the ultimate way for our viewers to test their inner ‘marites’ and ‘tolits’ and have fun while doing it,” pahayag ni Guido R. Zaballero, TV5 President at CEO. “Through this innovative format, Ogie – an exciting addition to the Kapatid family – will undoubtedly elevate and awaken our Kapatids’ afternoon viewing experience.”
Makakasama ni Ogie sa Quizmosa ang viral comedian at content creator na si Ton Soriano, ang social media star na si Tita Jegs, at mga heartthrob tulad ni Kid Yambao. Sila ang energetic team na maghahatid ng juiciest showbiz stories with a fresh twist… or quiz!
“We are excited to bring Quizmosa to TV5 because it’s a fresh and unique format that brings together the fun of celebrity gossip and the excitement of a quiz show. And with Ogie Diaz at the helm, we’re sure the show will be full of surprises, laughter, and juicy stories,” dagdag ni Sienna G. Olaso, First Vice President/Head of Channels and Content sa Cignal TV at Head of Special Projects ng MediaQuest Holdings, Inc.
Anyway, drama ang makakalaban ng Quizmosa.
At aminado ang katotong si Ogie na isang hamon sa kanya ang pagsabak sa hapon.
“Wala naman ho kaming masyadong kalaban sa hapon kundi ‘yung mga drama. Syempre alam ninyo na ‘pag hapon iba-iba naman ang mga phase ng tao sa panonood ng telebisyon. So, ‘yung iba gusto lang maaliw, ‘yung iba gusto ng chismis, ‘yung iba wala lang, gusto lang nila manood. Sa panahon ngayon na napakahirap nang i-please ng mga tao ay talagang ‘yan po ‘yung una naming concern, kung paano namin bubuhayin ‘yung hapon. Kaya isang malaking ano po ito, hindi naman tinik sa dibdib ‘no, isang malaking pasanin po sa amin ito. Isang hamon na... Ikaw talaga nagsabi ng hamon,” sabi ni Ogie kahapon sa ginanap na media conference.
Dagdag pa niya: “Isang napakalaking responsibilidad. Napakalaking hamon ang ibinigay sa amin ng TV5. Kaya wala kaming ibang puwedeng kundi pag-igihan everyday, ‘yung aming mga ginagawa. Kung meron ho kayong mga katanungan…
“Haluan namin ng spice, ayan. Kada round, kada tanong meron din kaming mga hirit ‘yun. Para naman updated din ang ating mga televiewers at ang ating mga netizens sa kung ano ang mga kaganapan sa mga nangyayari sa industriya, hindi lang sa showbiz, maging sa sports, sa politics, ‘di ba. Lahat ‘yan iko-cover namin, ‘no. Oo, pero naka bulletproof kami. Iba, iba, iba.”
Hirit niya pa, “Ika nga ng Quizmosa ay pakinabangan na natin ang pagiging chismosa natin. So, kung marami kayong alam sa showbiz, ayan. Puwede ho kayong sumali rito. At io-open naman namin ito sa lahat. Sabi ko nga, from all walks of life. Kahit mga bata, ‘pag meron kaming panawagan para sa mga batang contestants, puwede silang sumali rito. Pero syempre, mag-iimbita rin kami ng mga TV personalities; mga taga-showbiz industry para sumali rito at makiisa. At open din ang Quizmosa para makatulong din kami sa promo ng mga pelikula na ipalalabas ng mga actors,” sabi pa niya na ang mga manonood sa loob ng studio ay tatawagin niyang kapit-bahay.