^

PSN Showbiz

Kamuning Bakery namigay ng 100,000 na pandesal

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kamuning Bakery namigay ng 100,000 na pandesal

Iba talaga ang sarap ng pandesal na pang-almusal.

Kaya naman kahapon ay ipinagdiwang ang World Pandesal Day kung saan namigay ng 100,000 na piraso ng pandesal ang oldest bakery sa QC, ang Kamuning Bakery Cafe na pag-aari ni Wilson Lee Flores.

Kasamang namigay ng pandesal ni Wilson sina former senator Ping Lacson and Senator Imee Marcos.

Pero hindi lang basta pandesal, pwedeng nakapamili sila ng palaman tulad ng keso, sardinas, ham at iba pa with matching kape, juice, atbp. sa 85-anyos na Kamuning Bakery Cafe sa Judge Jimenez Street corner K -1st Street, Barangay Kamu­ning, Quezon City.

Ang ang iba pang libreng Pandesal at mga pagkain ay ipapadala rin sa mga ampunan.

Ang unang pagdiriwang ng World Pandesal Day noong Oktubre 16, 2015 ay sinimulan ni dating senator now Education Sec. Sonny Angara, GMA Network, Inc. Chairman Atty. Felipe Gozon and National Youth Commission (NYC) Commissioner actor Dingdong Dantes.

Noong Oktubre 11, ang Kamuning Bakery Cafe ay nag-donate rin ng public school building sa Sinait Integrated School na matatagpuan sa Tarlac City’s most remote rural Barangay Sinait sa lalawigan ng Tarlac kasama ang mga bisitang sina Congressman Christian Yap, Vice Mayor Aro Mendoza, ex-governor Tingting Cojuangco at ex-congressman Peping Cojuangco, apo na si Pico Cojuangco Guingona, 9 na Konsehal, mga opisyal ng Tarlac Filipino Chinese Chamber of Commerce sa pangunguna ni Konsehal Ato Chua.

KAMUNING BAKERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with