Lovi grabe ang mga love scene, bigay na bigay sa pagiging abogado

Lovi Poe
STAR/File

Ang daring pero ang husay ni Lovi Poe sa pelikulang Guilty Pleasure na palabas na sa mga sinehan simula kahapon.

Kasama niya rito sina Jameson Blake and JM de Guzman.

Gumaganap silang tatlo bilang mga abogado.

Pero grabe ang pinakitang galing ni Lovi, aakalain mong isa siyang abogado sa totoong buhay sa pelikulang ito.

Hindi madaling gumanap na isang lawyer dahil mahaba siyempre ang mga dialogue. At dapat alam mo ang tamang diction or pronunciation ng mga salita.

Pero nagawa ni Lovi na makatotohanan ang mga eksena.

Lawyer ang aktres dito ng isang inaasikasuhang nanggahasa ng kanyang partner.

At ang lawyer ng kalaban ay nakarelas­yon niya na ginampanan ni Jameson.

Bongga naman ang role ni JM na may matinding re­belasyon sa ending ng pelikula.

Ang ganda rin ng mga outfit ni Lovi sa pelikula, mga casual Filipiniana.

Saka ang subject ng pelikula, talagang pag-uusapan.

First time niyang gumanap na lawyer na aminado si Lovi na ayaw niya talagang gawin noon. “I’ll be honest ah. Sabi ko before, ayoko mag-lawyer at saka mag-doctor na role.”

Ang depensa niya kung ba’t napapayag sa role: “Ang daming memorization. At saka cre­dible. Mahirap ‘yun sabi ko, iba ‘yun eh. Kailangan believable. Iba ‘yung kapag ganung klaseng roles. Hindi naman siya ‘yung emotional lang eh. Kailangan talagang ‘you have to be credible, you have to know what you are doing and what you’re talking about,’ ‘di ba. Mag-research ka rin. But then, when I read the script, sabi ko, ‘okay I want to, I like the script.’ And it’s Direk Connie Macatuno pa. Sabi ko, ‘yes.’”

Na sa totoo lang ay tama ang desisyon niyang gawin ang pelikula dahil lalaban siya sigurado sa Best Actress. Nag-uumpisang mapanood ang pelikulang Guilty Pleasure sa mga sinehan, umpisa sa Wednesday, Oct.16.

Show comments