Marian, gustong pagmalditahan sina Katrina at Glaiza

Marian Rivera
STAR/File

Maraming artista ang naghain ng kanilang kandidatura para sa nalalapit na eleksyon sa susunod na taon. Naitanong namin kay Marian Rivera kung sumagi na rin ba sa isip ng asawang si Dingdong Dantes ang pagsabak sa mundo ng pulitika. Para sa Kapuso actress ay likas na sa mister ang pagtulong sa kapwa at hindi kailan man naghintay nang kapalit. “Alam kong pure ‘yung love niya at ‘yung pagtulong niya na wala siyang hinihinging kapalit. ‘Yung asawa ko gano’n ko siya nakikita,” nakangiting pahayag sa amin ni Marian sa Fast Talk with Boy Abunda.

Napapanood na sa mga sinehan ngayon ang pelikulang Balota na pinagbibidahan ng aktres. Isa ito sa naging kalahok sa Cine­malaya Film Festival 2024 na ginanap kamakailan kung saan nasungkit ni Marian ang Best Actress Award. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto namang makatrabaho ni Ma­rian sa isang bagong pelikula ang mga kaibigan. “Na-miss ko sila eh, Ina Feleo, masyado lang siyang busy sa workshop niya, Boobay. Tapos siguro si Gabby Eigenmann, kasi magmula Marimar nakasama ko na siya eh. Tapos ‘yung last soap ko kasama ko pa rin siya. Masarap kakontrabida marami sila eh, Katrina Halili and Glaiza de Castro. Silang dalawa kontrabida ko, laban ako,” pagbabahagi ng aktres.

Maricel, super fan ng DonBelle

Sina Maricel Laxa at Anthony Pa­ngilinan ang tumatayong talent manager ng anak na si Donny Pangilinan. Isa si Donny sa mga pinakasikat na aktor nga­yon sa bansa. Pumatok sa mga tagahanga ang tambalan nina Donny at Belle Mariano. Pagdating sa pakikipagtambal sa mga proyekto ay wala raw nagiging problema si Maricel para sa panganay na anak. “Parang hindi pa naman kami pumupunta sa ganoong klaseng usapan (umaayaw sa makakatambal). Kasi it’s really been DonBelle for the longest time. I’m a DonBelle fan,” pagtatapat ni Maricel.

Hindi rin nakikialam ang aktres kung sino ang napupusuan ni Donny sa tunay sa buhay. Malayang nakapagdedesisyon ang binata para sa sariling mga kagustuhan. “We manage him but we don’t own him. That’s very clear. We’re just taking care of him. We’re helping him take care of what he has so that he can be better at what he’s doing to help other people,” paglalahad niya.

Samantala, kamakailan ay naoperahan sa puso ang mister ni Maricel. Sa ngayon ay patuloy nang bumubuti ang kalagayan ni Anthony. “He’s doing much better. He’s back to work. Nagtatrabaho na, nagwo-walking, lahat. I mean, that’s the only way he will heal. We were in the hospital for three weeks. Ngayon he is recovering. It’s been two weeks out of the hospital. We didn’t want to make it public. We just wanted a private time para sa pamilya so that we could heal properly, all of us. Kasi kapag dumadaan sa ganitong challenge sa buhay, kailangan ng suporta ng bawat isa. And so we went through it quietly and it’s the most beautiful thing to go through together,” paliwanag ng aktres. (Reports from JCC)

Show comments