Mga Marites sa Family Feud

Ilang beses nang nauunsyami ang pagsalang ko sa game show ni Dingdong Dantes na Family Feud sa GMA7. (baka may humaharang?! Chos!)

Minsan ‘di tugma sa sched ko. (wow pa-important!) Minsan ‘yung mga magiging ka-team ko ang ‘di pwede. (arte-artehan?!)

Minsan ang produksyon ang nagbago ng isip. (attitude?!)

Pero nitong nakaraan lang ay natuloy na rin ako mag-taping. (wala nang sumpa!) Kakampi ko ang mga co-hosts ko sa online talkshow naming Marites University na sina Rose Garcia, Jun Nardo at Ambet Nabus. (bawal magkasawaan!)

Kalaban namin ang mga komedyante na sina Terry, Divine, Skelly at Anne. (so lumaban ba naman kami?!)

Naalala ko, sumali na ko dito noon (noong unang panahon!) kasama ang mga fellow radio jocks ko.

Bata-bata pa kami noon, at bagets pa rin si Dingdong. (akala ko nga magiging kami!)

Pero nakakatuwang makita na ibang level na si Dingdong ngayon bilang host at artista. (may Marian Rivera pa!) Marami rin sa kasama sa production team ay nakatrabaho ko nang maraming taon nung mga may shows pa ako sa Kapuso Network tulad ng pinaka-una kong showbiz oriented talkshow na Tweetbiz. (kaya feeling reunion ito!)

Nangunguna sa ratings ang Family Feud. (lalo na siguro ‘pag umere na episode namin!)

Lagi rin laman ng social media ang mga snippets ng ilang sa kanilang episodes lalo na kapag nakakaaliw ang eksena o may nakakatawang sagot ang contestant. (na minsan parang galing sa ibang planeta kung sumagot!) Kung tutuusin ‘di naman pang summa cum laude ang mga tanong. Sadyang nakakatranta lang at nakaka-kaba lang ‘pag nakasalang ka na.

Pero aminin, ‘pag nanunuod ka lang sa tv mo, ambilis mo sumagot at kung maka-okray ka sa mga nagkakamali, wagas! (ikaw na ang perfect!)

Pero may ilang kumakalat daw na videos na hango sa kanilang game show, pero ine-edit ang boses, at ginagawang katawa tawa o malaswa. (ay wala akong kinalaman dyan ha!)

Ang mga sina-survey nilang mga tao ay random, kahit sino at kahit anong estado sa buhay kaya minsan nakakagulat din mga nasa listahan ng sagot. (wag na lang natin silang i-judge!) Pero walang kupas sa paghahatid ng entertainment ang programa.

Galing man ang konsepto nito sa ibang bansa, may kakaibang flavor ang version na-tin sa Pinas. (ube flavor ba o durian?!)

Mapapanood na bukas (Friday, October 18) ang episode ng Team Marites University at Team Karakter, 5:40pm sa GMA7. (sinong pasok, sinong ligwak?!)

 

 

Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com

Show comments