Revillame, nag-trending sa tanong na plataporma ni Gretchen Ho

Willie Revillame

Ah wala pa palang plataporma ang senatoriable na si Willie Revillame.

Aniya sa interview nila Gretchen Ho (The Big Story) nang tanungin siya kung may solusyon na ba siyang iniisip sa mga problema ng bayan particular na ang kalusugan: “Wala pa, kasi hindi pa ako nanalo. ‘Pag nanalo ako doon ko na iisipin ‘yan. Ang iniisip ko ay kung paano pa lang ako mananalo. ‘Wag mo muna akong tanungin ng ganun.”

Kaka-file lang daw niya ng certificate of candidacy kaya ‘wag muna siyang tanungin tungkol dun.

Ahh, ganun pala.

Show comments