Make-up artist ni Heart, may parinig sa kapatid daw ng magnanakaw

Heart Evangelista

May warning ang followers ni Heart Evangelista sa isang fake account – HE Lifestyle ang account name.

Ni-repost na ito ni Heart sa kanyang Instagram story at nagkakalat daw ito ng fake news about her.

But anyway, sinagot pala ni Heart ang comment ng make-up artist niyang si Albert Kurniawan (Indonesian).

Sagot ng make-up artist niya: “Ang ganda niyo ni panda dyan, namiss ko kayo. And yup missy, we know you didn’t lie. As your long time friend, I can attest to that. In this case, sure na sure ako na hindi ikaw yung sinungaling at hindi mo kailangan magsinungaling. Alam ko naman kung sino ang sinungaling without a doubt. Tandaan ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw. Bato bato sa langit ang tamaan wag magalit #itiswhatitis …,” comment ni Albert sa post ni Heart na “I didn’t lie … I said ILY @pandaongpaucoescudero.”

Sagot pala ng fashion icon: “We have been thru hell together matinding away. Nagpakatotoo pero never tayo nag nakawan ng puso, tiwala, contracts, blow dryer at throw pillows char :)  thank you... I know you hate these things and the anxiety that comes with it... love you.”

Sabagay umay na rin naman ang isyu sa dating glam team ni Heart na sila Justin Soriano na nasa kampo na ni Pia Wurtzbach.

Baka nga diumano ito ang BI sa dating beauty queen kaya parang trying hard na rin ang ginagawang pagrampa.

Kinontra nga kasi ng netizens ang sinabi ng make-up artist na may contact na ang mister ni Pia dahil ito pa raw ang nag-post dati na wala naman silang connect sa fashion world at pangarap lang ni Pia ang rumampa sa mga fashion show noon pa.

But anyway, yaan na nga natin sila.

Show comments