Matapos ngang kabiliban sa pelikukang Firefly, bibida na ang young actor na si Euwenn Mikaell sa bagong afternoon drama series ng GMA 7 na Forever Young.
At gagampanan niya ang role ng isang pinakabatang pulitiko.
Mapapanood ito umpisa sa darating na Oktubre 21 sa GMA Afternoon Prime.
Gagampanan ng most-awarded child star si Rambo Agapito with Alfred Vargas, Nadine Samonte, Rafael Rosell, James Blanco with Michael De Mesa at Eula Valdes.
In all fairness, sa ginanap na media conference nito ay bagay na bagay kay Euwenn ang role ng 25 taong gulang na lalaki pero trapped sa 10 taong gulang na katawan dahil sa kakaibang condition – panhypopituitarism – kung saan ang growth hormone slows down kaya’t ang kanyang hitsura ay nanatiling bata.
Pero sa kabila ng kanyang kondisyon, mabuting anak at kapatid siya sa kanyang adoptive family. Hanggang nadiskubre niya ang kanyang layunin sa pagtulong sa kapwa at pangarap na maging pulitiko.
Paano nga ba niya matutupad ang kanyang pangarap habang ang tingin sa kanyang ng lipunan ay siya ay isang bata at walang kakayanang maglingkod.
Nakakatuwa ang speech niya kahapon, parang totoo siyang pulitiko.