Hindi alam ng nakararami na mayroong sariling foundation si John Arcilla. Taong 2008 nang naitatag ang CAPABLE (Care and Protect Life On Earth) Foundation na mayroong iba’t ibang programa na may layuning makatulong sa kapwa-tao at maging sa mga hayop. “Ang program ko kasi ‘yung mga parents, fitness programs. Sa mga dogs, before nag-a-adopt kami ng mga dogs. And then ‘yung Sining Kalikasan is nagbibigay ako ng workshop sa mga bata nang libre. Every Sunday siya na free tutorial. Ang mga volunteers ko ay mga teachers from public and private schools,” pagbabahagi ni John sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano.
Ayon sa aktor ay sariling pondo ang kanyang ginagamit upang maitaguyod ang mga pangangailangan ng naturang foundation. “Kung ano na lang ang maitulong ko. So wala akong financier, wala akong funds sa ibang tao kundi puro sa akin,” pagtatapat niya.
Nagsimulang umarte sa teatro si John mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas. Mula noon ay kabi-kabilang proyekto na rin ang nagawa ng aktor sa telebisyon at pelikula.
Umaasa si John na mas maraming makabuluhang proyekto pa ang magagawa sa mga susunod na taon. “Kasi hindi ka naman basta-basta nagpe-perform. Ako, I’m speaking for myself. May purpose ako in life. Hindi ko lang naman gustong maging hanapbuhay ‘to at pagkakitaan. Gusto ko naman may ma-move akong tao,” makahulugang paglalahad ng aktor.
Chelsea, ‘di takot sa Miss U 2024
Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ni Chelsea Manalo para sa Miss Universe 2024 na gaganapin sa Mexico sa susunod na buwan. Hindi umano nakararamdam ng takot ang beauty queen sa kakaharapin niyang mga hamon sa naturang international pageant. “I’m not really scared, honestly. That’s one thing I want you all to understand. I just want you all to trust in me. I’m not afraid to go where I want,” bungad ni Chelsea.
Lubos ang pasasalamat ng Miss Universe Philippines 2024 sa lahat ng suportang ipinararamdam sa kanya ng mga kababayan. Para kay Chelsea ay malaki ang naitutulong nito upang magkaroon ng tiwala at kumpiyansa sa sarili. “All of those people supporting me, right now I feel more excited to see so many of you who are here to support me. I feel that I am much more ready now to go to Mexico. Most importantly, if I can get the support of all the Filipino fans, not just for me but of course for the Philippines,” paliwanag ng beauty queen.
Nagsasanay na rin si Chelsea ngayon ng pag-aayos ng buhok at paglalagay ng makeup sa sarili. “May makeup training ako. So whenever there are events or activities, I try as much as I can to do my own makeup. I told my make-up artist, ‘Can you just guide me? I’ll do my whole makeup today.’ Of course, may improvement pa naman. It’s not always going to be perfect agad-agad. It’s not easy but I think I can naman. We have been training now to do hair, what styles, I’m going to be doing it. It’s important that you also prepare prior to what it is you are training for. What looks you want to do, what you think looks good on you and what is not. ‘Yung team naman is coming together to decide what look I should be going for when I go to Mexico,” pagdedetalye ng dalaga. — Reports from JCC