Kasong sinampa sa kanya, nabasura...JK napamura sa concert sa Moa, handa sa collab kay Darren

JK Labajo

Humarap si JK Labajo sa ilang entertainment media kahapon para sa first major solo concert niya na pinamagatang juan karlos LIVE na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena sa Nov. 29.

At hindi napigilan ni JK na mapamura nang banggitin sa kanya ng Tita Ibyang niya, (Sylvia Sanchez) na gaganapin ito sa napakalaking venue – SM MOA Arena.

Okay naman daw siya sa mga maliit na lugar, ‘yung intimate lang, kaya ibang paghahanda ito para sa magaling na singer.

Ang Nathan Studios ng pamilya Atayde ang nag-produce, at sabi naman ni Sylvia dapat naman daw sa SM MOA ito gagawin.

Sa mediacon nito kahapon ay ipinakiusap na huwag nang ungkatin ang matagal nang isyu nila ni Darren Espanto, pero naisingit pa rin naming itanong ito kay JK.

Maingat si JK sa pagsagot sa maselang isyu ito dahil iniiwasan na lang siguro niyang maakusahang ginagamit ang kabilang kampo para sa promo ng kanyang first solo concert.

Nilinaw kasi namin sa kanya ang latest na narinig naming na-dismiss daw ang kasong isinampa sa kanya ng ina ni Darren. “A lot of things are definitely blown out of proportion. A lot of things are unnecessarily expounded into this massive thing that it shouldn’t have been in the first place. So, there’s a huge aspect of assumption and also this huge aspect of people publicly just buying and biting whatever they see first online without knowing the whole story, the whole context.

“Ako naman, in this point in my life, again, it was been also talking about the whole time. I can focus my energy on the things that I can control.

“Kung ano ang paniwalaan ng mga tao, or kung ano ang gustong isipin ng mga tao, I mean, I don’t care.

“Kasi like, it’s out of my control. People’s opinions and emotions in whatever they wanna  believe in is out of my control.”

Sinundan siya ng tanong kung kumusta na ba talaga sila ni Darren. “That’s something that I don’t wanna talk about definitely. It’s not something that’s part of my day to day thoughts.

“Ako naman on my end, without mentio­ning anybody, it’s really… we’re  all grown-ups here. Eh ako, more than anything, love is what matters most. So alam mo yun, my door is open wide in terms of… Diyos ko naman! Talagang mag-stress pa tayo sa mga ganyan ganyan na mga…ang dami kong drama sa buhay,” pakli nito.

Healing ang gusto nang iparating ni JK sa kanyang mensahe na kung sakaling may mag-alok na magkaroon sila ng collaboration ni Darren o back-to-back concert, bukas daw siya sa ganung posibilidad. “I’ve always been fine actually. I’ve always been open. I’ve always been kind, right? I will not speak on other people and other people’s behalf.

“From my end… ako, there’s nothing negative,” sabi pa ni JK.

“Ako I’m open to collaborating with anybody. Again, not talking about  somebody’s mentioning specific… we have amazing artists here. We have amazing performances. All of these issues and things are side, won’t take away that kind of talent and skill that these people have.

“That’s always there, but then again more than anything, it’s really time that heals all wounds. It’s really time and growth that heals all wounds.

“All of these negative thoughts ang things don’t deserve our energy. Because walang magandang maibabalik sa atin ‘yun,” safe na pahayag ni JK Labajo.

Ang ganda ng ngiti ni Sylvia kahapon dahil maganda ang takbo ng ticket sales.

Nagulat siya nang sinabi sa kanyang sold-out na ang SSVIP at VIP tickets. Kaya konti na lang ang natira. Kailangan pa raw sana niya ng 30 na SSVIP tickets, wala na silang mapagkuhanan.

Lovi, pinagbigyan ang fans!

Napuno ng fans ang premiere night ng pelikulang Guilty Pleasure na ginanap sa SM The Block kagabi.

Kaya sobrang tuwa ni Lovi Poe dahil talagang kahit saan sila magpunta sa promo ng naturang pelikula ay talagang dinudumog ito ng napakaraming tao.

Puring-puri ang magaling na aktres dahil kahit pinagkakaguluhan ng fans, pinagbigyan niya ang halos lahat na gustong magpa-picture sa kanya. Nakuha raw niya talaga ito sa kanyang ama na magiliw sa lahat ng tao. “Sa totoo lang, I was really nervous before our mall shows and cinema visits, kasi it’s been a while.

“Siguro last time na ginawa ko was pre-pandemic pa. So, I was nervous and I did not expect ‘yung warmth. I’m just so grateful that everyone came to see us, and I’m praying that they’re going to watch the movie,” pakli ni Lovi.

Hindi lang ang namayapa niyang amang si FPJ (Fernando Poe Jr.) ang naimpluwensya si Lovi kundi pati ang sa ate niyang si Sen. Grace Poe.

Kamakailan lang ay ipinost niya sa kanyang Instagram account ang kuha sa shooting ng naturang pelikula na ang nasa caption nito, “This time, imbibing Senator Grace Poe for my role as Atty. Alexis.”

Doon na rin niya binati ang kanyang Ate Grace Poe.

Magso-showing na ngayong araw ang Guilty Pleasure na tinatampukan din nina JM de Guzman, Jameson Blake, Dustin Yu, at marami pa, sa ilalim ng direksyon ni Connie Macatuno.

Show comments