Vina, kinumpirma ang breakup sa afam!

c

Deleted na nga sa kanyang Instagram ang photos ng guy na ipinakilala ni Vina Morales na parang last year lang ay ipinakilala niyang boyfriend. Ibig sabihin noon, break na sila at kinumpirma ito ng singer-actress sa mediacon ng Nov. 16, 2024 concert niyang The Ultimate Performer: Vina Morales, Live In Concert.

Natawa si Vina sa hirit ng iba na break na sila ng BF na hindi man lang nalaman ang pangalan. Saka, naka­ngiti si Vina nang kumpirmahin ang breakup nila na ang dating sa amin, good breakup ang nangyari sa kanila.

Hindi niya na masyadong idinetalye ang cause ng breakup at ang sabi lang, “LDR (Long Distance Relationship) did not work for us.” Kahit maraming shows sa ibang bansa, sa Pilipinas pa rin naka-base si Vina at ang ex naman ay based yata sa US, kaya nahirapan sila.

Sabi pa niya, “I’m alone now, but I’m not lonely” na muli naming pinaniwalaan dahil naka­ngiti siya at pati mga mata, naka-smile. Kaya, kumanta man sila ng heartbreak songs sa kanyang concert, hindi ‘yun dahil sa breakup nila ng ex, magaling lang talaga siyang performer.

Anyway, on sale na ang tiket for the said concert sa ballroom ng Winford Hotel Manila sa tabi ng SM San Lazaro.

Opening act performers ang new talents na sina David Young at Nathan Randal na tinutulungan ni direk Vergel. Special guests sina Dindo Fernandez at Niña Campos.

“I will give them a good show,” pangako ni Vina sa mga bibili ng P3,500 (VIP) reserved seating at P2,000 (gold) free seating tickets. Dahil nangako, tiyak na tutuparin niya ito.

Jed, legit ang collection ng labubu!

As of now, walang tatalo sa local celebrities na nagko-collect ng Pop Mart dolls at Labubu dolls kay Jed Madela. Nasa isang malaking room ang collection niya, kabilang ang wall to wall shelves at may mga nakalagay sa aisle. Mula sa malalaking size ng Pop Mart dolls to the smallest, mayroon siya at kaiinggitan ang collection niya sa rami.

Sabi nito, “The collection room needs to be organized again. Wala na naman space.”

So, kailangan niya ng bigger room for his collection dahil siguradong may mga idadagdag pa siya.

Siya ang tinawag na “The first and legit collector talaga since day one,” at wala ngang tatalo sa kanya ngayon. Dahil dyan, may mga nagre-request ng tour sa kanyang collection room para makita ang buo niyang collection.

Benjamin, pinanghinayangan sa pagiging kloseta!

Masaya nito ang mga kasama sa cast ng Widows’ War at Asawa ng Asawa Ko dahil extended ang dalawang primetime series ng GMA 7. May tinanong kaming manager ng isang talent sa WW kung hanggang kailan ang series at sagot nito, “January next year pa.”

Nauna nang nabalitang extended ang ANAK, pero ang sabi, up to December ang extension nito. Ang latest, up to January 2025 na rin ang extension ng series at pinanghinayangan din ng viewers na namatay na ang karakter ni Martin del Rosario na mahusay rin sa kanyang role.

Ang wish na lang ng kasama sa cast ng dalawang series ay ‘wag tsugihin ang kanilang karakter para tuluy-tuloy ang kanilang trabaho lalo na’t magpa-Pasko at papasok ang Bagong Taon.

Show comments