Ellen, ang payat pa kahit manganganak na?!

Ellen Adarna at Derek Ramsay

Kabuwanan na pala ni Ellen Adarna.

Kaya anytime ay manga­nganak na diumano ito.

Wala raw pa-gender reveal ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen.

Pero ang ganda raw magbuntis ni Ellen at ang payat, parang hindi namanas, ayon sa isang nakakita sa former sexy star.

Wala itong pino-post na kita ang tiyan, kahit ang mister nitong aktor / negosyante, lagi lang mukha ni Ellen ang ipinapakita sa kanyang social media platforms.

Nauna nang sinabi ng semi-retired actor na hindi totoong buntis ang kanyang misis. “Wala pa, wala pa,” sey ni Derek sa panayam sa katotong Morly Alinio.

Sabi pa niya, ito na nga lang daw ang kulang sa buhay nila ngayon. “Basta ‘pag bliness na kami ng baby girl or baby boy, ready na ‘ko. ‘Yun lang ang kulang sa buhay ko. But with that said, kahit wala, masaya ako kasi may baby Elias na ako and I have a perfect wife,” saad pa ng aktor sa interview na hindi pa masyadong matagal.

Pero sinabi rin naman ni Derek sa naunang interview niya months ago na trinatrabaho talaga nilang magka-baby ngayong Year of the Dragon. “We’re really have three dragons in my house. My nephew, my son is also a dragon. So, the house is very very lucky house of dragons,” sabi niya.

Maaalalang nagkaroon ng miscarriage si Ellen noong isang taon. (SVA)

Show comments